Today is Sunday at last day na ng bakasyon. Nasa isang mall sina Julie at Elmo kasama ang kanilang mga anak para mamili ng gamit ng mga ito sa eskwelahan.
"Mommy, am I going to meet a lot of friends sa school?" Onzo asked his mom. Nakatayo siya sa gilid ni Julie.
"Of course, Honey.." Tugon naman ni Julie sa anak. Kasalukuyan niyang tinutulungan si Maddie sa pagpili ng notebooks.
Si Elmo naman ay nasa likod lang ng mag-iina.
"Really?"
"Hm-hm.." Julie answered, nodding her head.
"Mommy?" Tawag ni Onzo kay Julie.
"Yes, Baby?"
"Mommy, will you be there too?"
Napalingon siya kay Onzo nang itanong iyon ng bata sa kaniya. "Honey, I will pero aalis din kami agad ni Daddy.." Sabay haplos sa noo ni Onzo.
"But why? Can you please stay there nalang?" Bakas ang takot sa mga mata nito. "I'm scared, Mommy.."
Julie looked at her husband. Sakto namang nakatingin lang din ito sa kanila ni Onzo. Nagkibit-balikat lang naman ito sa kaniya.
Napag-usapan na nilang tatlo ang ganitong bagay. Madalas kasi itanong ni Onzo kung kasama raw ba siya or si Elmo sa school nito at madalas din na ang sagot nila ay no. Tila naghihintay si Onzo na magbago ang sagot nila.
Nilapitan ni Elmo si Onzo saka kinarga. "Son, napag-usapan na natin 'to diba?"
"I'm still scared. A-ayaw ko doon po.. I don't want to stay there alone." nakayukong sambit ni Onzo.
Nilapitan naman ni Julie ang mag-ama saka hinaplos ang likod ng bunso. "Anak, hindi ka mag-isa. Okay? Maybe tomorrow, marami ka na agad na friends. Ayaw mo ba no'n? Honey, sa umpisa lang naman iyon eh."
Tiningnan lang ni Onzo ang kaniyang ina namay nangungusap na mata.
Nagkatinginan naman ulit ang mag-asawa at sabay pa na napabuntong-hininga. Maya-maya'y sumuko rin si Julie. "Fine." At pagkasabi niya ng salitang iyon ay agad na lumiwanag ang mukha ng kaniyang bunso.
"Talaga, Mom--"
"Hep! Let me finish first." Julie said. Onzo shuts his mouth. "Basta tomorrow lang ha?"
"Okay, okay! Thank you, Mommy! I love you!" Masayang sambit ni Alonzo saka pa ito dumukwang palapit kay Julie upang mahalikan ito.
"That's our deal, Butching ha. Sa second day of school, ihahatid ka lang namin ni Mommy." Paalala ni Elmo.
"Yes, Daddy." Onzo nodded his head.
Matapos ang agenda sa bookstore ay napagpasyahan muna nilang magdinner sa isang restaurant.
"Mom, ikaw po maghahatid sakin or si Daddy?" Tanong ni Maddie habang kumakain.
"Si Daddy, Sweetheart. Why?"
"Wala po. Eh kasi Mommy, diba po dalawa na kami ni Butching papasok sa school?"
"Oh. What about it?" Pagtataka ni Elmo.
"Oo nga." Julie agreed.
Salitan munang pinagmasdan ni Maddie ang kaniyang mga magulang saka yumuko. "B-baka po kasi si Butching lang po 'yung ihahatid niyo sa school. Akala ko po magi-school service nalang ako."
Nagkatinginan naman ang mag-asawa saka mahinang natawa.
"Maddie, kahit college ka na, ihahatid ka pa rin namin. Okay?" Pahayag ni Elmo. "Hindi kami papayag na may ibang maghatid-sundo sayo sa school."
