Malaki ang ngiti ni Elmo habang naglalakad patungo sa elevator ng building kung nasaan ang opisina ni Julie. May dala siyang lunch para sa misis at isang boquet ng bulaklak.
Balak niyang surpresahin si Julie at makasama itong mananghalian. Hindi na kasi siya nakapagbreakfast sa bahay kanina dahil may biglaang meeting siya.
I'll see you tonight, Baby. Huwag ka na magtampo, okay? I love you. He texted her.
Let me know if you still have meetings today. Text niya ulit.
Malaki pa rin ang ngiti niya. Alam niya kasing nagtatampo itong si Julie dahil nga tulog pa ito nang umalis siya.
Ewan ko sayo. Nagtatampo ako. Julie replied.
Natawa naman siya. "Hay nako.." sambit niya saka siya napakamot sa ulo.
Alam niya namang bukod sa hindi niya pagsabay sa breakfast, may nagagawa pa siyang mali.
"Ehem." Singit ng isang lalaki.
Napalingon naman si Elmo sa kanan niya. It was Andrew. Napakunot noo siya bigla.
"Paano kaya kapag nalaman ng wife mo na tumatawa ka dyan at nakangiti habang may katext na iba, SPO2 Magalona?" Nakangising tanong ng lalaki. Puno ng yabang ang tono ng boses nito.
He knew it. Kilala pa siya ni Garcia. Lalo siyang nag-aalala para kay Julie. Humigpit ang hawak niya sa bulaklak pati na rin sa paperbag. Huminga siya ng malalim saka rin ngumisi. "Don't worry. Alam naman ng asawa ko na nakangiti ako palagi kapag katext ko siya, Ex-convict Andrew Garcia." Sambit niya habang nakapamulsa at diretso ang tingin sa elevator.
Ting!
Agad na sumakay ng elevator si Elmo at sumunod naman si Andrew. Saka na lamang napansin ni Elmo ang bulaklak na hawak ng binata.
"What are you doing here, Garcia?" Seryosong tanong niya pagkasara ng elevator. Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Visiting your wife?" Nakakalokong tugon ng lalaki saka pa ito mahinang tumawa.
Well.. damn it. Julie did not tell him about Andrew, visiting her.
At dahil sa sinagot ng lalaki, pakiramdam niya at bigla siyang namula at lumaki ang butas ng ilong niya sa galit. Hinarap niya si Andrew. "Visiting my wife?! Nanggagago ka ba, Garcia?!"
"Oh. Chill ka lang, SPO2." Andrew smirked. "Masama bang bisitahin si Julie? Ngayon ko nga lang nalaman.. maganda pala ang asawa mo."
Hindi na napigil pa ni Elmo ang galit. Binitawan niya ang paperbag na bitbit niya saka sinugod si Andrew. Hinawakan niya ito sa kwelyo at isinandal ang likod nito sa pader. "Huwag na huwag mong gagalawin ang asawa ko, Garcia." Nanggigigil niyang bulong sa lalaki ngunit parang wala naman itong naririnig. Asar na asar na siya sa pagngisi nito sa kaniya. "Hindi na sa kulungan ang bagsak mo kapag ginawa mo iyon. Sa sementeryo na! Sisiguraduhin ko iyon!"
"Okay. Sige. Hindi na. Si Maddie nalang kaya? Or si Alonzo?"
Elmo punched Andrew's face. "P*tang *na mo!" Nagpintig ang tainga niya nang marinig ang pangalan ng dalawa niyang anak.
Napahawak si Andrew sa bibig niya nang makaramdam ng hapdi. "What? Anong gagawin mo? Ididiretso mo sa sementeryo bangkay ko? Mauuna ka, Magalona! Mauuna ka!"
Sakto namang pagbukas ng elevator nang banggitin iyon ni Andrew. Kinuha agad ni Elmo ang binitawan niyang paperbag saka lumabas. Inayos niya at pinakalma ang sarili bago tuluyang pasukin ang opisina ni Julie. Hindi niya na nilingon pa si Andrew.
"Good morning, Sir Elmo!" Bati ng dalawang recepcionists.
Isang tipid na ngiti lamang ang isinukli niya sa dalawa saka na dumiretso sa office. Huwag nawang makarating kay Julie ang ginawa niya kay Garcia.