"Mommyyy!"
Napaigtad si Julie habang naghihiwa ng gulay nang marinig ang matinis na boses ni Maddie. Agad niyang binitiwan ang mga hawak at naghugas ng kamay. Dali-dali siyang lumabas ng kusina at pinuntahan ang anak.
Nakita niya ito sa may hagdan.
"Maddie?" Nabigla pa siya nang makitang humihikbi ang bata. "Baby, what happened?"
"Mommy, I can't find my ipad..."
"My god, Maddie. You are crying just because you can't find your ipad?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Kinabahan kasi siya at akala niya'y kung ano na ang nangyari dito. "Hinanap mo na ba sa room mo?"
Tango lang ang isinagot ni Maddie.
"Eh saan na 'yun napunta? Baby, pwede bang hanapin mo muna maigi? Nagluluto pa kasi si Mommy ng dinner."
"I can't find it nga po.." Maddie stomped her feet while shedding her tears.
Napailing naman si Julie. May pagkabrat talaga ang anak niya.
"I think Butching hides my ipad. He's being playful kanina pa po." Sumbong ni Maddie.
Napasapo ng noo si Julie Anne. Malamang ay itinago nga ng bunso niya ang ipad ni Maddie.
"Just look for it on your playroom. Nandoon--"
"Mommy, I can't find it there. Help me.." Pagmamakaawa ni Maddie saka pa hinila ang kamay niya paakyat.
Gusto niyang mainis kay Maddie ngunit hindi niya naman magawa. Hindi niya maideny na kahit may pagkabrat man ang anak niya at laging nagpapababy ay natutuwa pa siya. Gustung gusto niyang tinatawag pa siya ni Maddie kapag may kailangan ito.
It's been four years when she and her husband, Elmo, got married. Tatlong taong gulang na ang bunso nila. Ang mga magulang niya at magulang ni Elmo ang nagpangalan kay Onzo. Masyadong mahaba ang Alonzo Luis Psalmuel at gusto niyang kumontra sa mga ito ngunit wala na siyang nagawa.
Laking pagpapasalamat niya dahil sa loob ng apat na taon ay wala silang naging mabigat na problema ni Elmo. Walang nainvolve na ibang tao sa relasyon nila.
She's still the CEO of Maddie's Collection at mas lalo pang gumanda at lumago ang business niya. Si Elmo naman ay naging tatlo na ang hawak na branch ng Lui-Niel's. They may be busy everyday pero sinisigurado nilang makakauwi sila ng maaga para magkaroon ng oras sa mga anak nila.
Kung si Maddie ay kamukha ni Elmo, si Onzo naman ay syempre... kamukha pa rin ng ama. Katulad ni Maddie noong baby ay chubby din si Onzo. That's why they're calling him Butching. Botchog kasi ito noong ipinanganak. Kung pilya si Maddie ay mas pilyo ang baby boy niya. Dumarating na sa puntong napapaiyak na ni Onzo ang ate nito dahil sa sobrang kulit at pang-aasar.
Maddie turned eight years old three months ago. Actually, hindi lang siya ang nagbirthday noong February. Pareho kasing Feb 19 ang birthday nila ni Onzo. She loves her baby bro so much pero minsan nakakalimutan niya na ang pagmamahal niya sa kapatid niya kapag napipikon na siya sa mga ginagawa nito.
Kagaya ngayon na nawawala ang ipad niya.
"Let's ask Butching, Mommy.."
"He's on our room, Honey. Hindi pa naman nalabas ng room si Butching since he woke up ah."
Nasa kwarto nila si Onzo at kanina pa nanonood ng paborito nitong Thomas and Friends kasama ang yaya niya. Thirty minutes pa lamang ang nakalilipas mula nang makauwi siya. Nadatnan niya ang bunso na kakagising lang.
"No, Mommy.." Maddie shook her head. "He was in the garden po kanina with Yaya."
"Alright. Let's go to your room. Baka nandoon lang 'yun at hindi mo nakita." Julie said. "Stop crying na. Hindi ka na baby para iyakan ang ipad."