11

618 24 16
                                    

"Dad, you looked so handsome!" Namamanghang kumento ni Madison sa kaniyang ama habang pababa ito ng hagdan.

"Really? Handsome naman talaga si Daddy ah." Ganti ni Elmo saka kinarga ang anak.

Napanguso naman ang bata dahil sa sinabi ng tatay niya. "Today is different." She answered. Sabay yakap sa leeg ni Elmo.

Mahinang napangiti ang lalaki. Yes, today's different. "Ang bigat mo na, Baby." Pag-iiba niya ng usapan. Naglakad siya patungo sa malaking salamin na nakasabit sa may pader sa living room saka pinagmasdan ang sarili habang karga niya pa rin si Maddie. It feels so good. Welcome back, Moe. Sambit niya sa sarili.

"Dad.."

"Hmm.."

Humiwalay si Maddie ng pagkakayakap sa kaniyang ama saka humarap dito. "I'm so proud of you." Lambing niya. "I love you, Daddy." She kissed his cheek.

"Thank you, Sweetheart. Daddy loves you so much." Elmo smiled at his daughter and kissed her.

"Can we take a picture, Daddy? Then I'll post it on instagram. Para makita ng followers ko na may Handsome Daddy ako!" Proud na sambit ni Maddie.

Elmo creased his forehead. "I-instagram? May instagram ka?" Gulat niyang tanong sa anak.

Nakaupo naman sa sofa si Julie at nagbabasa ng libro. Actually, nagbabasa-basahan nalang ngayon. Hindi niya na maintindihan ang binabasa niya dahil lihim niyang pinakikinggan ang usapan ng kaniyang mag-ama at panay ang sulyap niya sa dalawa.

"Yes, Daddy! Mommy made me an account."

"Maddie, you're too young for that!" Inis na sambit ni Elmo.

"But Daddy, Mommy--"

"We'll delete your account, Maddie." Tanging sambit ni Elmo.

"Daddy, i am enjoying the app!"

Kita ni Julie na bumaba na sa pagkakakarga ni Elmo ang panganay na anak at papalapit na sa kaniya.

"Mommy, si Daddy!" Maddie pouted her lips. Yumakap ito sa baywang kaniyang ina.

Ibinaba ni Julie ang binabasa na libro saka inakbayan ang anak. "Why?" Pa-inosenteng tanong niya. Napatingin siya kay Elmo na nakakunot noo at papalapit rin sa kanila.

"Babe, she's too young to have an instagram account! Bakit mo naman ginawan? Napag-usapan na natin yun diba?" Umupo ito sa tabi ni Julie.

Napataas ang kilay ni Julie. "Ako naman naghahandle so it's okay." Paliwanag niya. "Saka nagrerequest rin ng account yung mga fans."

Yep. May active fans pa rin si Julie Anne hanggang ngayon. Hindi pa rin nawawala ang suporta sa kaniya ng kaniyang mga fans lalo na kapag may paminsan minsan siyang guesting sa ilang tv show.

Elmo amusely looked at his lovely wife. "So sinunod mo yung fans mo kaysa sa akin?"

Ginantihan naman ng tingin ni Julie ang kaniyang asawa. "Obviously." Pang-aasar niya saka saglit na uminom ng coffee. "Anyway, goodluck sa first day, Babe." Labas sa ilong niya na sabi. Inilabag niya ang kape sa center table at pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Elmo. She gave him a peck on his lips. "Behave, okay?"

Napalunok naman si Elmo.

Pinasadahan ng tingin ni Julie ang itsura ng mister niya. Nakasuot ito ng police uniform. Oo, ngayong araw ang muling pagbabalik ni Elmo sa headquarters bilang pulis.

Ilang linggo rin silang nagpilitan na mag-asawa. Dalawang buwan na ang nakalipas nang mangyari ang insidente sa restaurant ni Elmo. Simula noon ay wala nang nanggulo pa sa kanila, wala nang Kurt Garcia ang nagpaparamdam. Ang ama ni Kurt ang kausap ni Julie tungkol sa investment nito sa MC. Ang sabi ni Mr. Garcia, nangibang bansa ang kaniyang anak.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon