9

1.2K 55 4
                                    

"Long time no see, SPO2 Magalona."

Biglang napalayo si Elmo kay Isabelle nang mamalayan niyang nakayakap napala sa kaniya si Isabelle.

"Oh. Masyado ka namang kabado. Hindi mo ba kami namiss?" Nakakalokong ngumiti ito kay Elmo.

Nailing naman si Elmo. "Hindi ka pa rin nagbabago."

Isabelle laughed at him. Nilapitan niya muli si Elmo at hinaplos ang balikat nito. "Oh come on. Ikaw lang naman ang nagbago, SPO2. Pati nga siguro feelings ko sayo, hindi nawala eh." Sabay bulong ng babae.

Kinilabutan naman si Elmo sa iniasal ni Isabelle. Agad niyang inalis ang kamay nito sa kaniyang balikat. "I came here to have a conversation with Gonzales. Hindi ikaw anvg ipinunta ko rito para malaman nararamdaman mo. So please leave us alone."

Tumikhim naman si Jay.

Halata na ang inis sa mukha ng babaeng pulis. "Okay. As you wish, Sweetheart." Ngisi nito saka tumalikod. "I'll see you around, Moe! I'm excited to work with you again."

Parehong nakahinga ng maluwag ang magkaibigan pagkalabas ni Isabelle.

"Wooh! Akala ko hindi na lalabas 'yung masamang hangin na yun dito eh." Sambit ni Jay.

Muling bumalik ang dalawa sa kani-kanilang pwesto.

"Ang bruha talaga no'ng babaeng 'yun. Magaling lang siyang bumaril. May tinatago namang naku! Ay ambot!" Dagdag ng binata. "Ang gwapo mo talaga, Pre. Lakas ng tama sayo nun eh no?" Jay grinned at him.

Natawa naman si Elmo. "Ewan ko sayo, Gonzales. Bakit ba hindi nalang 'yun ang shota-in mo para malayo ang atensyon nun sa akin? Pre, four years na akong hindi pulis! Tapos ganun pa bungad niya sakin? Wala bang sakit sa utak yun?"

"Hahaha! Pre, nagiging baliw lang naman 'yun pag nandyan ka." Jay said. "Anyway. Pag-isipan mong mabuti 'yung gagawin mo, Elmo. Ngayon palang sinasabi ko sayo, hindi ako pwedeng humawak kay Garcia. Masisilip tayo niyan eh."

Napatango nalang si Elmo bilang pagsang-ayon sa kaibigan. Alam niya naman ang kalakaran sa loob ng kapulisan dahil galing siya roon. Siguro'y dapat niya nang sabihin ang tungkol kay Garcia kay Julie habang maaga pa. Ayaw niya namang maging huli ang lahat.

Matapos mag-usap ang magkaibigan ay dumiretso na ng uwi si Elmo. Habang nasa daan ay iniisip niya na kung paano sasabihin kay Julie ang tungkol sa katrabaho nito.

Pagtapat niya sa kanilang bahay ay bumusina siya upang mapagbuksan ng gate ni Julie. Ilang saglit pa siyang bumusina ng bumusina ngunit wala pa rin nagbubukas ng gate.

"Julie Anne.." naiiling na sambit niya saka napabuntong hininga.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang misis. Noong unang ring ng cellphone ay tumutunog pa ito, ngunit noong pangalawa, bigla nalang itong namatay.. or pinatay ni Julie.

Pinatay niya ang makina ng sasakyan saka lumabas mula dito. Lumapit siya sa gate at nakitang nakakandado pa ito.

Hindi niya tuloy alam kung nasaan si Julie kaya nag-aalala siya. Baka umalis ito ng bahay at hindi man lamang nagpaalam sa kaniya. Hindi rin siya makapasok sa bahay dahil susi lang ng main door ang mayroon siya. Na kay Julie Anne lahat ng susi at ang duplicate keys, nasa kasambahay nila. Kasalukuyang nasa bakasyon ang kasambahay nila kaya ang malas niya. Paano siya papasok sa bahay?

Tinanaw niya ang kanilang kwarto muna sa kaniyang kinatatayuan. Doon niya lang napansin na walang ilaw doon maging sa buong bahay.

"Shit." Inis na bulong niya.

Posible ngang umalis si Julie. At saan naman pupunta iyon?

Muli niyang kinuha ang cellphone niya at si Maqui naman ang tinawagan.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon