7

1.1K 45 4
                                    

"So.. when are we gonna visit the place?"

Napatingin si Julie kay Kurt nang magtanong ito. Kakatapos lang ng meeting nila at kasalukuyan siyang nag-aayos ng gamit. Ang akala niya ay lalabas na ng opisina ang binata.

"Mr. Garcia, your Dad and I haven't signed any contract yet for another branch." Nag-iwas siya ng tingin kay Kurt dahil pakiramdam niya ay iba ito kung makatitig sa kaniya. "M-mag-uusap pa kami about it."

"Ahh.." Nakapamulsang lumapit si Kurt kay Julie. "Sabi kasi ni Dad, ako na daw ang bahala sa lahat ng transactions. He gave me a permission to sign the contract. So, where are the papers para masimulan na natin?"

Napataas ng kilay si Julie ngunit binawi naman niya iyon agad. Mahirap na dahil anak ng investor itong kausap niya. Nakakainis lang dahil tila makulit ang isang ito.

"Can we talk about it--"

"Tonight?" Nakangiting tanong ni Kurt. "Sure! Anong oras ba?"

Patience, Julie. Patience. Paalala niya sa sarili. "Not tonight, Mr. Garcia. My secretary will set a meeting for it. I'll make sure na magagawa natin 'yun this week para masimulan na 'yung new branch."

Bigla namang nawala ang ngiti ng binata. "Ganun? A-ano.."

Tiningnan lang ni Julie si Kurt at naghihintay ng susunod na sasabihin nito.

"A-ano.." ulit ni Kurt saka yumuko at humawak pa sa batok. "Can we.. can we eat out? M-merienda lang. S-saglit lang naman eh.. saka a-ano.. I really want to know you better." Nauutal na sambit nito saka nahihiyang tumingin kay Julie.

Natawa naman si Julie sa itsura ng binata. Para kasi itong bata na nagmamakaawa sa kaniyang ina na bihlan siya ng laruan. Umayos siya ng tayo saka humalukipkip. "Mr. Garcia, pwede mo naman akong diretsuhin. Hindi 'yung mamadaliin mo ako sa kontrata natin."

"Ahh.. a-ano eh.."

"Teka. Teka." Natatawang sambit ni Julie. "Bakit ka ba nauutal?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Kurt at halata ni Julie ang pamumula nito. "Uh.. H-hindi ah.. Like what I've said, gusto pa kitang makilala. So pwede ba?"

Nag-isip muna si Julie sandali. Magpapaalam pa ba siya kay Elmo? Pano kung hindi pumayag? Eh kung hindi siya magpapaalam, pano kapag nagalit? Ang gulo. Sa huli ay wala na siyang nagawa. "Ngayon na ba?"

Bigla na naman napangiti ang binata. "Kung pwede, ngayon na."

Tumango-tango naman si Julie saka napatingin sa cellphone niya. "Okay." Sagot niya saka nakangiting lumingon kay Kurt. Wala namang masaba diba? Meryenda lang naman. Yun lang.

"Great!" Masayang sambit ng binata. "Let's go?" Yaya nito.

"Pwedeng mag-ayos muna ako ng gamit ko, Mr. Garcia?"

"Ah.. hehe. Sure, sure." He answered. "Ano pala. Huwag mo na akong tawaging Mr. Garcia. Feeling ko ako si Dad eh. Haha. Kurt nalang."

"Alright, Kurt. Just give me five minutes. Mabilis lang akong mag-ayos." Sabi ni Julie saka sinimulang ayusin ang mga gamit.

"Sure. Willing naman ako maghintay."

Hindi na kumibo si Julie sa sinabi ng lalaki. Nagfocus nalang siya sa pag-aayos ng gamit niya. After that, tinawagan niya si Elmo upang ipaalam na aalis siya ng opisina.

"Hi, Baby." Mahinang bati niya saka tumalikod kay Kurt na ngayon ay nakaupo sa couch ng opisina niya.

"Hi. Bakit ka napatawag? Tapos na meeting mo?"

"Yeah. Magpapaalam lang sana ako. Ano kasi.. nagyayaya ng meryenda si Mr. Garcia."

"Ah.. sure. We'll pick you up, Baby ha? Kanina pa ako kinukulit ni Butching."

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon