Episode 1 - Im Miss Cathyrine Magno :)

442 10 2
                                    

Cathyrine POV

*RRRRRRRIIIIINNNNNNGGGGG

“Ang ingay naman” muli kong sinaklob yung kumot ko, ang ingay kasi eh.

Aaahhhh ang ingay kaya naman kinuha ko yung cellphone ko na nagsisilbing alarm clock ko. Tignan ko na half awake at nagulat ako ng 8:26 na kaya naman agad akong napa bangon sa kama ko.

“Aray!” habang hawak ko yung parte ng katawan ko na nasaktan

9 o’clock kasi ang pasok ko at 40 mins naman ang biyahe ko mula sa work ko. Ang hirap talaga mag-isa ka lang. Dito ako nakatira ngayon sa isang apartment sa Makati medyo malapit kasi ‘to sa pinapasukan ko kaya naman dito muna ako tumira. Magpapakilala mo na ako sa inyo ako nga pala si  Cathyrine Magno, 22 years old single at nagtatrabaho bilang teacher sa isang sikat na secondary school. Matapos akong mag-ayos agad akong pumunta sa bus station tinignan ko ulit ang oras at OMOMAYMOMAY! 8:35 na ba’t ba kasi ang tagal ng bus? After a minute may dumating na bus pero puno ito, naku bahala ng makipagsiksikan basta makapasok lang ako.

“Aray!”

Yan lang ang lagi kong sinasabi kapag pumi-preno si manong panu ba naman kasi napapapunta ako sa harapan tapos mauuntog sa bakal minsan may mauuntugang na tao. Bakit ba kasi late na ko nagising? >_______________________<

Dahil sa siksikan sa bus hindi na pumara si manong driver, naku kung kukuha pa siya ng pasahero para na kaming nasa lata ng isang sardinas. Dahil sa tuloy-tuloy na biyahe nakarating ako ng 8:56 at 4 minutes nalang mag na-nine o’clock na kung kaya’t naman tumakbo na ko

Wooooooooooooooosssssssssssshhhhhhhhh~

Takbo…

Takbo…

Takbo…

Kinuha ko agad yung attendance card ko at pinasok sa timer. Huuuu..... buti naka abot ako sabay punas sa noo ko. Nagsimula na akong maglakad sa hallway para pumunta sa klase ko.

“Good morning ma’am” pagbati sakin ng bawat estudyante na makakasalubong ko

“Good morning” pagbati ko rin sa kanila

What a beautiful day! Sana totoo yung nasa horoscope ko ngayon. Ayun kasi sa horoscope ko isa akong Virgo ‘Iyung-iyo ang araw na ito. Kung anoang bagay na magbibigay sayo ng saya at ligaya, papayagan ng langit na maganap at hahadlangan naman ang mga ibibigay sayo ng lungkot. Masuwerteng kulay- yellow Masuwerteng numero- 9,17,18,23,24 at 26’ kaya naman nagsuot ako ng may yellow ang kulay at yun ang…. Panty ko ^_____________________________^

Nakarating na pala ako sa klase ko kaya naman pumasok na ko. Agad naman silang nagsiayusan ng upo ng makita nila akong pumasok. Humarap ako sa kanila saka sila binati

“Good morning class”

Sabay-sabay silang nagsitayo saka nila ako binate

“Good morning ma’am mabuhay!”

“Ok class sit down, how’s your vacation class?”

Nang tinanong ko yun agad naman sila nagsalita sa kani-kanilang upuan, akala mo tuloy may nag-aaway sa palengke sa sobrang ingay buti nalang private school ito at hindi gaanong maririnig yung ingay sa labas na nagmumula sa loob

“QUIET!” natigilan naman sila, palibhasa kasi mga grade 7 sila kaya ganyan ka gulo

“Pwede bang isa-isa lang class? Just raise your hand if you want to recite”

Napa wow naman ako dahil lahat sila gusto nilang magrecite. Grabe ganito pala feeling ng isang teacher pag nakikita mong active ang mga students mo.

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon