Episode 5 - Music Room

133 5 0
                                    

Hoya POV

Dinala ko naman sila sa locker ko pero nung makarating na kami agad kong kinuha ang kamay nung babaeng yun para tumakbo at makalayo kay miss Minchin. Paano ba naman kasi kapag na record na naman niya yung pangalan ko baka masuspend ako o kaya i-expell at kapag nalaman ng matandang hukluban yun baka dalhin na ako nun sa Italy >-<

Buti nalang at matanda na si miss Minchin at hindi niya kami masyadong maabutan. Pumasok kami sa Lab room dahil restricted area yun at ginagamit lang yun kapag may experimental activity ang mga estudyante.

“Yuko” sabi ko sa babaeng kasama ko

“Bakit ba tayo nagtatago? Natatakot ka ba na marecord ang pangalan mo?” sabay ayos niya ng salamin niya

Ang baduy lang neto porma -_- Naka nerdy glass tapos naka aiza pony tail -_- Isip bata siguro ‘to ano po? -_-

“Wala ka ng pakialam kung ano man ang dahilan ko”

“Eh bakit kasi nata--- asdfghjkl”

Ang ingay ng babaeng ‘to ko kaya naman tinakpan ko agad ang bibig niya. Nakarining kasi ako ng mga yabag na pumasok sa room na ‘to.

Cathyrine POV

Ba’t naman ako dinala neto dito? Mga kalokohan talaga ng mga kabataan oh -_-

“Bakit ba tayo nagtatago? Natatakot ka ba na marecord ang pangalan mo?” panu ba naman kasi pwersang pinayuko ako >-<

“Wala ka ng pakialam kung ano man ang dahilan ko” sensya naman medyo tsismosa ako eh hehehehe -_-

“Eh bakit kasi nata--- asdfghjkl” panu ba naman kasi tinakpan niya ang bibig ko -_- pero infairness ang bango ng kamay niya--- ay ano ba naman yan ano bang pinagsasabi ko? -_- pero mabango talaga eh lasang chocolate sarap tuloy kainin. RAWR!

Nilagay niya yung hintuturo niya sa bibig na para bang nagsasabing tumahimik-ka-pwede.

Tumahik nalang ako baka kasi kung ano pang gawin sakin nito eh =_=

Nakaramdam naman ako na may ibang tao maliban samin, siguro ayun yung GO nila? Mukhang papalapit samin yung yabag kaya naman naglakad kami habang naka upo ng lalaking ‘to papunta sa kabila direksyon.

Paulit-ulit lang kami na ganun hanggang sa parang may lumabas na kaya naman napatayo na kami, sakin kaya sa bitin kahit isa’t kalahati ang taas ng takong ko >,<

Dahil sa masakit na nga yung bitin ko napa upo ako isang table ganun din ang lalaking ‘to.

“Ang galing mo naman manang, akalain mo nakapasok ka dito” habang nagpupunas siya ng pawis niya at naka harap sakin

“Pwede ba wag mo nga ako matawag na manang, may pangalan ako. Cathyrine short for Cathy gusto mo i-spell ko pa sayo?”

“Oo na, MANANG CATHY hahahahahahaha!” sabay hawak sa tiyan na animo mamamatay na sa kakatawa. Lokong bata ‘to -_-*

Hindi ko na siya sinagot dahil magpapanis lang ako ng laway sa kanya, hinilot ko nalang yung binti ko hindi kasi ako sanay sa takong eh >,<

Nagulat naman ako ng lumapit siya sakin at hinilot ang binti ko

“Dito ba masakit?” pagtatanong niya habang hawak niya yung right foot ko

“Oo”

Infairness may mabuting kalooban ang lokong batang ‘to ^_^

“Kasi naman, bakit pa kayo nagtatakong? Sign nga naman na tumantanda ka”

At aba naman. Akala ko mabait yun pala sa huli manlalait pa. hindi ko nalang siya sinagot at hinayan kong hilutin niya yung binti ko.

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon