Caroline POV
“…tapos yun kumain kami sa labas then—teka nga… nakikinig ka ba?”
Panu ba naman kasi kanina pa ako dada ng dada dito at ito namang katabi ko parang walang naririnig
“Hoy!” sabay wagayway ko ng kamay ko sa harap ng mukha niya
“Ha? May sinasabi ka?”
Tignan mo ‘to, kanina pa ko nagsasalita tapos hindi naman nakikinig. Uulitin ko na naman ba mula sa umpisa?
“Actually kalahating oras na ako nagkkwento sayo tapos heto ka nasa sarili mong mundo. Ano ba kasing iniisip mo?”
“Ha? Wala naman”
Wala raw pero kanina pa naka tulala -_-
“Ano nga kasi? Sabihin mo na”
Huminga muna siya ng malalim bago magsimulang magsalita
“Bumabalik na naman ang pagka baliw ko” sabay inom niya ng kape niya
Nga pala nandito kami ngayon sa isang coffee shop dahil break time namin at malapit lang naman sa school kaya dito muna kami tumambay nakaka sawa na kasi sa loob ng campus.
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
Umayos siya ng upo then humigop ng inumin saka nagsalita
“Di ba nga kaya ako na inlove kay Jaejin dahil kasama siya sa isang banda plus the fact na vocalist pa siya”
“Oh tapos?” ako naman ang uminom
“Eh syempre mabilis ako ma attract sa mga ganun…alam mo na yun”
Ay oo nga pala, mabilis mahulog ang loob niyan sa mga banda lalo na kung yung vocalist slash lead guitar tapos isama mo pa na gwapo eh cute talagang hahanap siya ng paraan para makalapit dito at mapalapit sa kanya.
Naalala ko tuloy nung pumasok kami sa isang bar na may live band na kumakanta eh etong si Cathy talaga tumakbo papunta dun sa vocalist matapos yung kanta nila, eh syempre ako andun lang sa isang tabi na para bang wala akong kasama nakakahiya kasi yung ginawa niya. Isa pa yung napadpad kami sa isang mall, nakita namin ang callalily eh syempre nanood na kami, crush ko kaya si Kean *w* Matapos nilang kumanta napa tingin sa kanya si Kean kaya ayun ang gaga nahimatay pero akala ko lang yun kasi nung lumapit sa kanya si Kean agad na dinakman ng yakap. Parang gusto ko pumunta sa isang sulok at magtago o kaya lamunin na sana ako ng lupa este ng semento ng mall makawala lang sa kakahiyan ng kasama ko
“At sino naman ang bibiktimahin mo aber?”
“Grabe ka girl, ang pangit naman ng word mo. hindi ba pwedeng new inspiration or something like that?”
“Hay ewan ko sayong babae ka. Nga pala hinahanap ka raw ni Jaejin samin ni Caleb”
“Bakit raw?”
Malamang para magdate kayo -_-
“Asus kunwari pang hindi alam” sabay higop ko ng kape ko
“Eh sa hindi ko nga alam, adik ka talaga”
Aba naman at talagang…
“Hay ewan ko sayo, nga pala sino naman yang new inspiration or so whatever you call that?”
“Isang high school student eh”
“ANOOOO?” O.O
“Mahiya ka nga Carol” sabay palo niya sakin
Napasigaw kasi ako sa gulat kaya napunta ang atensyon ng tao sakin
Humingi naman ako ng tawad sa mga tao dun, nakakahiya naman peste.
BINABASA MO ANG
First Kiss
RomanceSabi nila ang First kiss raw ay napakahalaga sapagkat sa taong pinakamamahal mo lang ito ibibigay na iyong papakasalan balang araw. Pero panu kung nabigay mo ang first kiss mo sa isang lalaking hindi mo naman kilala sa umpisa pa lang, hindi mo mahal...