Episode 9 - Fixing a broken heart

99 3 0
                                    

Cathyrine POV

Tama ba ‘tong pipuntahan ko? Hala, baka naliligaw na ako? Lumapit ako sa isang guard para magtanong kung san ung location nung address na nakasulat sa papel. Tinuro naman sakin ni manong ko san dapat ako dadaan at finally nakita ko na rin ung hotel. Medyo may kataasan siya, ano pa nga bang aasahan ko eh hotel yan eh. Tinext ko na si Caroline para sabihin na nandito na ako sa tapat ng hotel.

Astig naman ng hotel na ‘to de ikot ang pinto hahahahaha. Pagka pasok ko agad akong nagtanong dun sa receptionist. Kinuha niya yung parang telepono then pinapunta niya ako sa lobby para maghintay. Habang pinagmamasdan ko ang buong paligid ng hotel, na tulala ako.

“Daddy! Daddy!” sabi nung bata sabay takbo dun sa tinatawag niyang daddy. Totoo ba ‘tong nakikita ko o guni-guni ko lang? Shinake-shake ko yung ulo kaso andun pa rin sila eh so it means hindi ‘to guni-guni?

Nang makalapit sa kanya ang bata agad niya itong kinarga. “Oh baby! Are you ready? By the way, where’s your mom?” tanong niya sa bata, hindi siya sinagot nito sa halip nginitian lang sya.

Parang tumigil ang mga oras na yun ng magtagpo ang mga mata namin sa isa’t isa. Dahil dun nagsimula na akong tumayo para makatakas sa lugar. Kaso napa tigil ako ng maabutan niya ako.

“Sandali lang Cathy” sabi niya sabay hawak sa braso ko na nagpatigil sakin

“Ano ba? Bitawan mo nga ako” sigaw ko, dahil dun napunta ang atensyon ng mga tao samin

Lumapit samin ang bata “Daddy, who she is?” habang hinihila niya ang laylayan ng damit ng tinatawag niyang daddy.

Binitawan niya ang braso ko at lumuhod sa bata para makapantay niya ‘to. “Uhmmm... Carlo can you please stay here? I will talk to her for a while?” tumango naman sa kanya ang bata at agad itong upo sa couch

Matapos nun humarap siya sakin at muling hinawakan ang kamay ko “Pwede ba tayong mag-usap?”

“Ano pa bang pag-uusapan natin Jaejin? Sa tingin ko wala na eh” matigas kong sabi

Hindi siya sumagot sa halip hinila niya ako papalabas ng hotel. Ang kapal din ng mukha niya diba? “Let me explain Cath” pagmamakaawa niya

“Wala ka ng dapat ipaliwanag Ji, kitang-kita ko na eh...kitang-kita ng dalawa kong mata”

“Sorry Cath, im really sorry...please stay with me” kitang-kita mo sa mga mata niya ang pagmamakaawa

“No Jaejin, im now breaking up with you” sabay tanggal ko ng kamay niya sa kamay ko

Palakad na ako ng binalikan ko ulit siya “By the way *hugot sa singsing* iyo na yan” sabay lakad ko at nagpara ng taxi. Nakita ko pa sa side mirror na hinahabol niya ang taxi.

Matatanggap ko naman kung may anak na siya eh kaso ano? Nilihim niya pa rin sakin. Ayun yung masakit eh parang pinapakita niya na hindi ako mapagkakatiwalaan na para bang pag nalaman kong may anak na siya eh hindi ko na siya tatanggapin? Yes, kami na ni Jaejin 6 days ago. Ang saya-saya ka na sa wakas naging kami na rin ng first love ko, diba ibang kaligayahan ang mararamdaman niyo? Pambihirang pag-ibig ‘to!

“San po tayo miss?” tanong sakin ni manong sa front mirror. Binigay ko naman sa kanya yung address ko.

Makalipas ang ilang oras nakarating din ako sa room ko. Agad kong binagsak yung bag ko at humiga sa kama ko. Kinuha ko yung cellphone dahil panigurado hinahanap na ako ni Caroline

Message from: BFF.Caroline

“Uy! Asan ka na? Sabi mo kanina malapit ka na? Anong oras na bakla?”

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon