Cathyrine POV
“San ba tayo pupunta?” pagtatanong ko kay Carol
Panu ba naman kasi bigla akong hinila pagkatapos ng last class ko -___________________- kaya ito kami ngayon at naglalakad papuntang mrt.
“Mamimili tayo!” ^________________^
“Ng alin?”
Wala naman kasi akong pera para mag-shopping ngayon ‘noh at hindi pa nga ako nakakasahod eh -_-
“Ng dress…ano ka ba? First date mo sa first love mo hindi mo manlang paghahandaan?”
Ay oo nga pala niyayaya ako ni Jaejin na mag dinner kami mamaya nagulat nga ako ng biglang may nagtext sakin na unregistered number. Panu kaya niya nakuha number ko? pero kahit na atleast nag-effort siyang hanapin ako. Kinikilig tuloy ako *w*
“Wala akong pera teh?! Ni hindi pa nga ako sumasahod eh”
“Don’t worry girl you’re goddess friend is here” sabay akbay sakin
Buti nalang at nagkaroon ako ng mayamang kaibigan hahahahaha! Nang makasakay na kami ng Mrt medyo maraming tao, siksikan panu ba naman kasi labasan na ng mga estudyante kaya siksikan. Nang papalapit na kamis sa last station nabawasan naman yung mga tao kaya kahit last station na yung susunod which is babaan namin, umupo pa rin kami.
Habang papalapit na kami sa last station napalingon ako sa katabi ko, mukha siyang high school student halata naman kasi sa patch niya na naka kabit sa polo niya, nakapikit lang siya habang nakikinig ng music. Naka earphone na nga siya rinig na rinig pa rin yung pinapakinggan niya kaya nga naririnig ko eh. Mukha siyang mahilig sa mga rock bands? Namiss ko tuloy kapatid ko, maka musta nga yun mamaya
Nakarating na rin kami sa wakas at ito namang si Caroline hinila agad ako sa isang department store. Hindi halatang mas excited siya sakin ano po? -_-
“Ito nalang kaya girl?”
Turo niya sa isang cute mini dress at ako naman ay nag NO sign masyado kasing maikli eh >.<
“Ang arte mo” at nagpout pa ang bruha
Makalipas ang ilang minuto naming pag-iikot sa department store nakahanap na rin kami sa wakas ng susuotin ko. Simpleng dress lang siya na above the knee
(See picture at the right ------------------------->)
“Try mo girl”
Tinulak-tulak niya ako sa fitting room, halatang hindi siya mas excited sakin diba? Tinignan ko sarili ko, para masyado namang maikli ‘to pero cute niya. lumabas na ako ng fitting room dahil baka sabihin sakin nun hindi ko susuotin -_- Paglabas ko agad siyang napatayo sa kinauupuan niya at tulalang-tulala. Alam kong maganda ako friend hahahahaha!
“Ang ganda mo girl, perfect na perfect” alam niyo yung reaksyon niya? yung parang siya yung may date kaysa sakin -_-
“I know girl,mana sayo eh” then sabay kaming nagtawanan hahahaha!
“Halika na!” paghihila niya sakin
“Teka, hindi mo ba babayaran?”
Aalis kami agad tapos hindi niya babayaran? Baka makulong ako nito
“Bayad na yan so lika na!” sabay hila na naman sakin
“Teka! Hindi ko ba huhubarin ‘to?” kakahiya naman kasi tapos may price tag pa sa likod
“Hindi na noh..ano ka ba?”
Hay wala na akong magagawa siya masusunod eh -_- Matapos namin maghanap ng damit agad kaming dumiretso sa salon. Inayusan at minake-up-an nila ako yung light lang then ayun iniwan niya na ako kung san kami magmemeet ni Jaejin. Huhuhuhu! Kinakabahan na ako!
Makalipas ang ilang minuto dumating na rin siya. Grabe wala siyang pinagbago fresh from Europe pa, ang yummy niya pa rin hihihihihi!
Tumayo ako at nag bow sa kanya. Feeling koreana eh XD lewl Lumapit siya sakin at bineso ako *w* hindi ba pwedeng kiss nalang :*
“Have a seat” then sabay na kaming umupo
“Anong gusto mong kainin?” sabi niya habang tumitingin siya sa menu card
“Ikaw--- este yung katulad sayo” ano ba yan bakit ang landi ko ngayon?
“Palabiro ka pa rin Cath” then he smiled at me. Oh my natutunaw ako *w*
“Hindi kaya” nahihiya kong sabi. Maging dalagang pilipina ka ngayon Cathyrine!
Matapos naming pumili ng inorder namin, nag-usap kami tungkol sa kanya yung pag-aaral niya sa Europe at pati na rin yung…
“May naging girlfriend ka siguro dun noh?” ano ba yan Cathy nakakahiya ka >,<
“May hinihintay kasi ako kaya wala pa” sabay smile na naman niya sakin. Ako siguro yung tinutukoy niya? ilusyunada ako eh kaya ako yun!
“Ah ganun ba?” sabay lagay ng buhok sa gilid ng tenga
Makalipas ang ilang minuto dumating na yung food namin at habang kumakain kami nagkekwentuhan pa rin kami
“Eh ikaw Cath…may boyfriend ka na?” sabay subo niya sa hiniwa niyang steak
Nagulat naman ako sa tanong niya kaya medyo nasamid ako, agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at pinukpok yung likod ko. Medyo masakit siya pumukpok
“Wala pa..ka—kasi..ano..hindi pa ako ready” sabay inom ko ng tubig
“Ganun ba? Maghihintay nalang ako kapag ready ka na”
Anong sabi niya? maghihintay siya? Para sakin? Oh my ang haba ng hair ko!
Dahil hindi ako nakasagot sa sinabi niya ngumiti nalang ako ^_____________________^
A/N: Nakapag update pa ng mas maaga lol Pasensya po kung ngayon lang ulit ako nakapag update dahil sa pagiging busy ng inyo author. Bwisit na .0 yan ayaw matanggal >.< at dahil diyan nag update ako, dapat pala lagi akong nabibwisit para laging may update lewl XDDD Sorry kung medyo maikli lang 'to OTL
Anyways as you request, i dedicate this chapter to @Hammsturabi ^^,
BINABASA MO ANG
First Kiss
RomantizmSabi nila ang First kiss raw ay napakahalaga sapagkat sa taong pinakamamahal mo lang ito ibibigay na iyong papakasalan balang araw. Pero panu kung nabigay mo ang first kiss mo sa isang lalaking hindi mo naman kilala sa umpisa pa lang, hindi mo mahal...