Episode 2 - Cathyrine's First Love (continuation)

196 8 0
                                    

A/N: Alam kong maikli yung last post ko kaya naman dinugtungan ko :) Sorry kung medyo natagalan kasi naging busy na naman ako sa pag gawa ng laro using Java. Baka kayo may kakilala kayo na naka gawa ng games using Java? Please help me! *insert big puppy eyes*

Cathyrine POV

“Ano nga kasi nangyari? Dinala ka ba niya sa magandang hotel tapos…tapos…”

“Tapos ano?” tanong ko kay Carol

Nandito nga pala kami sa Canteen dahil break time na namin at eto namang si Carol gustong-gusto na akong pagpakwentuhin tungkol sa date namin ni Jaejin. Bakit ba nagkaroon ako ng kaibigan na katulad nito, buti pa ‘tong si Caleb tahimik panu ba naman kasi hindi nakakarelate sa usapan namin.

“Tapos lumapit siya…tinaas ang ulo mo…tapos…BOOM”

“Ay palaka ka! Ano ba Carol”

Panu ba naman kasi ang lakas ng pagkakasabi niya ng ‘Boom’ kaya naman napa tingin samin yung mga kumakain na estudyante pati na rin yung mga co-teachers namin. Pinipigilan na nga siya ni Caleb pero ayaw talaga niya paawat -_-

“Magtigil ka nga Carol, nakakahiya ka”

Kami ni Caleb ang nahihiya para sa kanya eh -_-

“Ano nga kasi…nag ganun ba kayo?”

Habang yung dalawa niyang kamay na para bang nagkikiss

“H-I-N-D-I”

Nagtataka siya kung ano yung H-I-N-D-I, ba’t ang slow ng taong ‘to at naging teacher pa

“Anong H-I-N-D-I? Wait… do you mean?”

Nag nod lang ako sa kanya sabay subo sa pagkain ko. Patuloy lang kami ni Caleb sa pagkain habang siya naman ay namomoblema, dapat nga ako ung namomoblema imbis na siya diba? DIBA?

“Kumain ka na nga lang diyan” buti naman nagsalita na tong si Caleb

“Hmpf…palibhasa hindi mo alam ang pakiramdam na magkaroon ng first love”

Hay naku Caroline kung alam mo lang, may pagka manhid ka rin kasi eh

“Tss..nagsalita ang hindi” sabay smirk niya kay Carol. Hmmm…

“Smell likes something fishy” sabay subo ko sa panghimagas ko

Parang may hindi ako alam na alam nila. Kainis ang daya nila >_<

“Che” sabay sabi nila habang nag-iiwas ng tingin

“May alam ba kayo na hindi ko alam?” pagtatanong ko sa kanila

“WALA” sabay na naman sila

Kailangan sumisigaw? Tong dalawang ‘to hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ewan?

“Nagtitinginan na yung mga tao satin kaya bilisan niyo ng kumain”

-Sa Klase Ko-

“Okay class, we have quiz today”

Sila naman para nasa palengke yung parang nag-uunahan sa discounted na pork or chicken

“Grabe naman mam, agad-agad?”

“Hindi pa nga kami nakakapagreview eh”

“Mam naman, hindi ba pwedeng next week nalang?”

“QUIET” habang pinapalo ko yung desk ko

Tumahimik naman agad sila. Buti naman at nakikinig sila

“Open your book on page 34 and answer the Test Yourself”

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon