Episode 7 - Hoya's Decision

121 5 1
                                    

Yehey! Napa aga yata ang pag uupdate ko, imbis na sa October pa eh ngayon ko naisipan. Birthday kasi ng pinaka mamahal kong si Key of SHINee kaya naman maganda ang gising ko at syempre Happy Birthday to me! lol XD Hello readers! Mukhang maeextend ang storya ito, siguro aabot siya ng hanggang 15 chapters :)

Kimpoy POV

“Tawagan mo na baka may alam yun” pag uutos sakin ng lalaking ‘to

Tss bakit hindi na lang siya ang tumatawag dun tutal mas marami siyang load sakin -_-

“Akin na” sabi ko sa kanya sabay lahad ng palad ko

“Ang alin?” nagtatakang niyang sabi

“Yung cellphone mo, wala kaya akong pera pang load kaya akin na. Lagi ngang may load hindi naman ginagamit tss”

“Anong sabi mo?” hindi niya siguro narinig yung huli kong sinasabi hahaha! Eh binulong ko kasi eh adik lang

“Ang sabi ko akin na yung cellphone mo ng makapunta na yung bakulaw na yun”

Matapos kong sabihin yun binigay naman niya yung cellphone niya sakin. Agad ko namang dinial ung number niya

Michael calling...

[“Oh ba’t napatawag ka?”] sagot niya

“Pina papunta tayo ni Hoya sa tambayan”

[“Bakit raw?”] ang dami namang tanong ng bakulaw na ‘to

“Ahh basta bilisan mo tol sige bye” hindi ko na siya hinintay na sumagot at agad kong piñata yung call

Habang hinihintay namin si Michael napag-usapan muna namin ni Hoya yung problema niya

“Bakit ba kasi ganyan ang tatay mo?” tanong ko sa kanya

“Ewan ko ba dun sa matandang yun? kaasar” sabay gulo niya ng buhok niya

Akala ko pa naman walang pinoproblema kapag mayaman ka yun pala kabaliktaran. Napahinto kami sa pagkekwentuhan ng dumating na si Michael

“Yow wazzup!” bati niya with hand gesture na papalapit samin

“Halika ka nga dito” pag tawag ko sa kanya

Mukhang good vibes ‘tong bakulaw na ‘to ha?

“May problema ‘tong si Hoya eh” sabay tingin ko kay Hoya

“Ano?” tanong niya

Tinignan ko si Hoya kung pwede ko ng sabihin kay Michael yung problema niya, mukhang pwede na yata

“Lumayas siya sa kanila”

“AAAANNNNOOOO???” sigaw niya. Kakarindi ang boses nitong bakulaw na ‘to akala mo babae kung makasigaw -_-

“Bakit?” tanong niya sabay upo sa tabi ko habang naka harap siya kay Hoya

“Panu ba naman kasi, gusto siyang dalhin sa England ng tatay niyang barahubas eh sinagot ng sira ulong ‘to kaya nasampal, yan tuloy nagdrama hahahaha!”

Hindi man lang ako sinamahan tumawa akala ko pa naman karamay ko ‘tong bakulaw na ‘to pero tatawa pa rin ako hahahahaha! Tignan mo ‘to, hindi man lang ako pinansin T.T

Hoya POV

Tignan mo ‘tong si Kimpoy akala mo nakawala sa mental, grabe tumawa parang walang bukas? -_- Hindi nalang namin siya pinansin ni Michael

“So anong balak mo ngayon?” tanong sakin ni Michael. Buti pa ‘to matino kausap kaysa sa isa -_-

“Pwede ba ako sa inyo tol?” sana pumayag ka *cross finger*

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon