A/N: Medyo napa aga po ang pag-uupdate ko hihihihihihi :3 May gagawin kasi ako bukas kaya ngayon nalang po ako nag-update :3 Sana magustuhan niyo :) Thank you nga pala sa mga nagbabasa nito kahit medyo matagal kung mag update ang otor nito XD lewl. Mwah! mwah! mwah! Tsup! tsup! :D
Cathyrine POV
“Wag ka ngang makulit Francis”
Ang kulit talaga ng lalaking ‘to. Sakit sa ulo >.<
“Pero ate…”
“Wala ng pero-pero Francesco Magno, sa ayaw’t sa gusto mo dito ka titira. Naiintindihan mo?”
“Hindi ako pupunta diyan sa Maynila, dun nalang ako makikitulog sa mga kaibigan ko. Sige na ate…kausapin mo na si mama”
“HINDI!!! Wag kang makulit Francis”
“Bahala ka dyan! Bleh! Bleh! Bleh! Behlat mo!” at talagang tinawanan pa ko
“Fran--- hello? Hello?“
Bwisit na bata yun…babaan ba naman ang nakakatanda sa kanya >.<
Matapos kong makipag talo dun sa pasaway kong kapatid, nag-ayos na ako para pumasok sa trabaho ko. matapos kong kumain ng breakfast nakita kong umilaw ung phone kaya naman kinuha ko yan. Tinignan ko ang message, actually hindi talaga siya message, multimedia siya at ang nagpadala ay ang pasaway kong kapatid.
(see the picture at the right side ---------------------->)
Buti nalang talaga ang cute nitong kapatid ko kung hindi ba lalo pang masira ang araw ko ng dahil sa kanya.
.
.
.
.
.
Bago ko pa makalimutan na may pasok ako ngayon, agad na akong nag-ayos at kumain ng almusal. Inayos ko na rin yung mga dalahin ko pati na rin yung ipapa-test ko mamaya para sa class ko.
Makalipas ang ilang minuto naglakad na ako papalabas ng apartment ko. ni-lock ko na yung room ko at bumaba na. naglakad na ako papuntang hintayan ng bus.
Ang tagal naman magsidatingan ng mga bus -.- buti nalang at medyo napa aga ang gising ko ngayon.
Makalipas ang ilang minuto dumating na rin ang bus. Agad akong sumakay dahil maraming tao at baka mawalan ako ng upuan sa loob. Hindi pa naman ako sanay sa sapatos ko dahil may heels.
Buti nalang at may bakante pa dun sa likod kaya naman dun ako umupo.
“Excuse me”
Panu ba naman kasi nakalagay yung bag niya dun sa tabi niya. Umuupo na rin ba ngayon ang bag? Binyaran niya ba? Tss -.-
Naintindihan naman niya siguro yung sinabi ko kahit naka headset siya kasi kinuha niya yung bag niya at kinandung ‘to
Dahil hindi maayos ang tulog ko kanina umidlip muna ako. Pasaway kasi yung kapatid ko, pinoproblema ko kaya yun na stress ako at hindi naka tulog ng maayos.
Makalipas ang ilang minuto, napadilat ako. Ano bang nangyari?
“Ano ba yan manong?” reklamo nung nasa bandang gitna
“Paki-ayos naman po ang pagmamaneho manong, kasama ko yung buntis kong asawa” yung lalaking nasa harap namin
At kung anu-ano pang reklamo ang nakuha ni manong driver
“Pasensya na po, may tumawid na aso kasi. Sorry po” sabi ni manong driver
Pero bago pa yun, pagkadilat ko. Anyare?
BINABASA MO ANG
First Kiss
RomanceSabi nila ang First kiss raw ay napakahalaga sapagkat sa taong pinakamamahal mo lang ito ibibigay na iyong papakasalan balang araw. Pero panu kung nabigay mo ang first kiss mo sa isang lalaking hindi mo naman kilala sa umpisa pa lang, hindi mo mahal...