Continuation…
Hoya POV
“Anong ginawa mo pare?” pagtatanong ni Michael
“Aba malay ko rin? Wala naman akong maalalang hindi magandang ginawa netong past few days kaya wala talaga akong idea kung bakit ako pinapatawag nung matandang dalagang yun”
Wala naman kasi akong maalala na may hindi ako nagawang maganda nitong nakaraang araw? Baka na naman yung huklubang matandang yun na naman tsss
“Sige punta na ko dun… hoy ikaw Kimpoy!” pagtuturo ko sa kanya
“Magpraktis kayo dahil malapit na yung laban natin at WAG kang makipag landian diyan sa babaeng yan” tinignan ko yung babaeng yun, akala mo kung sinong maganda tss
“Hoy lalaki!” sabay tayo niya at naka pamewang “Hindi kami naglalandian noh at ni hindi ko pa nga ‘to nililigawan eh kaya kung ako sayo, MIND YOUR OWN BUSINESS” sabay dila sakin nito
So pathetic! Ganyan na ba ang mga babae ngayon?
“Anong bang pinagsasabi mo Erms? Hindi tayo talo pre” si Kimpoy na naka harap kay… ano nga ulit pangalan nun? Ang basta yun nay un
“Alam ko yun pre, hindi tayo talo. Yang kasing kaibigan MO naiinggit sa mga taong my love life. Ampalaya siguro favorite gulay niyan?” sabay patugtog ng gitara ko
At aba naman talaga, pinapasakit nito ang ulo ko >,<
“Pigilan mo ko Kimpoy baka kung anong magawa ko diyan sa babaeng yan” pagbabanta ko
“Hindi ka namin pipigilan Hoya. Bahala ka” sabay layo nila Kimpoy at Michael sakin at nagsipuntahan sa kanya-kanya nilang instrument
“Bakit?” pagtatanong ko sa kanila
Natatakot sila sa babaeng yan? Itsura palang halatang mahina na eh tss…
“Nag ta-taekwondo yun at black belter yan” si Kimpoy habang inayos niya yung drum niya
“A-ano? Ba-black belter yan? Yang nerd na yan?” nanginginig kong tinuturo siya
“Gusto mo i-try ko sayo?” sabay patunog niya ng mga buto niya sa kamay at leeg. Kakatakot pala ‘to >.<
“S-sige guys, p-punta na ko sa GO. Na-nice to m-meet you” sabay takbo ko papuntang GO
Hindi halatang sa itsura niya na malakas siya, masyado kasi akong mapang husga sa panlabas na katayuan ng mga taong feeling close sakin
Makalipas ang ilang oras na paglalakad ko papuntang GO, nakarating rin ako. Pumasok na ako sa loob ng hindi kumakatok. Pagpasok ko, hindi yung matandang hukluban ang nasa harap ni miss Minchin, miss Minchin ang tawag namin sa Guidance Officer namin kasi para siyang si miss Minchin kundi isang babae?
Mukhang napansin ako ni miss Minchin kasi napatingin siya sakin
“Andyan ka na pala mr.Delgado”
Yumuko lang ako bilang pag galang
“Sino po siya?” pagtatanong sa GO namin, kasi naman sino ba siya?
“Ay oo nga pala mr.Delgado, pinatawag kita dahil may kasalanan ka sa babaeng ito” habang tinuturo ng palad niya yung babae
Kelan pa ako nagkaroon ng atraso sa babaeng yan? Hindi ko naman siya kila--
“IKAW?” pagtuturo ko sa kanya
Panu niya nalaman na dito ako nag-aaral? Kaasar naman >.<
“Ako nga” sabay smirk sakin nung babaeng yun
“P-panu m-mo n-nalaman n-na d-dito a-ako nag-aaral?”
“Malamang mr.Delgado dito siya nag-aaral, hindi ba halata sa uniporme niya?” sagot ng GO
“P-pero mam, manang na yan eh…baka outsider po yan”
“Tignan niyo mam, dapat i-expell na yan dito” pagsusumbong nung babaeng yun
“Mr. Delgado, gusto mo bang madagdagan ang records mo dito?” –GO
“Tss…ano ba kasing kailangan ng babaeng yan?” pagtatanong ko kay GO
“May kinuha ka raw na cellphone sa kanya. Totoo ba yun mr.Delgado”
Talagang pinunta niya pa rito yung pangit niyang cellphone? Tss. Hindi niya ba kayang bumili ng bago?
“Meron nga po mam pero hindi ko dala, nasa locker ko po mam”
“Kung ganun, ano pang hinihintay mo? Dalhin mo na kami sa locker mo”
Cathyrine POV
So dito pala nag-aaral ang batang yun, maganda ang school niya infairness. Agad akong nagtungo sa Guidance Office para makita ko yung lalaking yun.
“Excuse me miss..san ba yung Guidance Office dito?” pagtatanong ko sa babaeng naka salamin. Muka siyang nerd
“Sumunod po kayo sakin” kaya naman sumunod ako sa kanya
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok kami sa loob.
“Salamat miss”
“Wala po yun, sige po”
Aalis na sana yung babae ng marinig niya yung pangalan nung batang yun
“Sino ba?” pagtatanong ng GO
“Si Hoya Kim Delgado po ng III-Diamond” sabi ko sa GO
“Si Hoya po? Bakit po?” pagtatanong ni nerd. Ba’t nandito pa siya?
“Miss Erms, pwede ka ng umalis” sabi nung GO kay nerd
“Ahmmm…mam, alam kop o kung nasan si Delgado”
“Ganun ba? Sige..tawagin mo” –GO
Umalis na naka ngiti yung babaeng nerd na yun. May gusto ba siya sa lalaking yun? Kawawang bata -.-
BINABASA MO ANG
First Kiss
RomansaSabi nila ang First kiss raw ay napakahalaga sapagkat sa taong pinakamamahal mo lang ito ibibigay na iyong papakasalan balang araw. Pero panu kung nabigay mo ang first kiss mo sa isang lalaking hindi mo naman kilala sa umpisa pa lang, hindi mo mahal...