Cathyrine POV
“Anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya ng makapunta kami sa baba kung san din kami nag-usap ng kapatid ko.
Hindi niya ako sinagot sa halip nilibot niya pa yung paningin niya sa paligid. Ano ‘to? Taga ubos siya ng oras ko? dahil sa medyo naiinip na ako, nagsimula na akong tumalikod sa kanya para maglakad ng bigla niya ako hawakan sa braso ko kaya napatigil ako
“Teka lang” sabi niya at humarap ako sa kanya
“Ano ba kasing ginagawa mo dito? Wala naman akong matandaang may utang ako sayo kaya wala maisip kung bakit ka nandito” eh sa wala naman talaga akong alam para puntahan niya ako dito. Hindi ko muna siya pinag salita dahil ang bagal niyang sumagot kaya nagsalita ulit ako
“Paano mo nga pala nalaman na nandito ako nagtuturo? Stalker ba kita?”
“Pwede ba isa-isa lang ang pagtatanong? And wait…you said ‘stalker’? Nagpapatawa ka ba? Kung oo bibigyan kita ng tatlo. Ha-ha-ha. Satisfy?” sarkastiko niyang sabi. At talaga namang -_-*
“Baliw ka siguro ano? Wala akong panahon para sayangin ang oras ko sayo. Oh heto” sabay abot ko sa kanya ng limang piso na kinuha naman niya
“Anong gagawin ko dito?” tanong niya
“Maghanap ka ng kausap mo” sabi ko sa kanya. Bigla niya namang iniabot sakin yung limang piso na binigay ko sa kanya
“Bakit mo binabalik?” tanong ko sa kanya
“Sabi mo maghanap ako ng kausap so ayan binigay ko sayo para kausapin mo ko. Wag mong sabihing kulang pa yan?” sabay pamulsa niya
Nang iinis ba ‘to o talagang nang iinis siya?
“Ano ba kasing kailangan mo sakin ng hindi na kita makita sa harap ko?!” nagpipigil kong inis na tanong sa kanya
“Ano kasi…panu ko ba sisimulan…” habang nagkakamot siya likod ng ulo niya. Problema nito?
“Ano nga?” naiinis kong tanong. Konti nalang sasabog na talaga ako eh.
Huminga muna siya ng malalim bago magsalita
“Pwede bang maki tuloy muna sa inyo? Tutal mag isa ka lang naman diba?” with pa cute effect pa
Anong sabi niya? ‘Pwede bang makituloy sa inyo tutal mag-isa lang raw ako?’ Baliw ba ‘to?
“Hoy lalaki! Alam mo ba yung pinagsasabi mo?” habang duro-duro ko siya
“Oo naman, sasabihin ko ba sayo yun kung hindi ako seryoso?” sabi niya in a serious tone. Mukang seryoso nga siya.
“Pero teka…ba---bakit ka pa sakin lumapit? Wala ka bang pamilya, kaibigan o kahit na ano at sakin mo pa naisipang makitira?”
eh kasi naman diba, wala ba siyang pamilya o kaya kamag-anak o maski mga kaibigan? Ano siya? Nag-iisa sa mundo?
“Naglayas kasi ako samin…eh yung mga mababait kong kaibigan ayaw akong tulungan so ang naisipan ko ay ikaw ang lapitan tutal mukang safe naman ako sayo” sabay ngiti niya na mukhang sincere.
Potek bakit ganyan siya maka ngiti? Gusto niya bang bihagin ang puso ko? hala? Ano ba ‘tong pinagsasabi ko? erase! Erase! Erase! >.<
“Wag kang mag alala…ako ang magbabayad sa unit mo at saka hindi naman ako magtatagal eh…siguro mga 1 month lang ako sayo” pagpapatuloy niya
Siya magbabayad sa unit ko? ang laki nun ha? Edi sana bumili nalang siya ng sarili niyang unit? Pero ok na rin yun ah kasi makakatipid ako ^_^
“Sige…pag-iisipan ko” sabay kunyaring nag-iisip. Lakad sa kanan lakad sa kaliwa
BINABASA MO ANG
First Kiss
RomanceSabi nila ang First kiss raw ay napakahalaga sapagkat sa taong pinakamamahal mo lang ito ibibigay na iyong papakasalan balang araw. Pero panu kung nabigay mo ang first kiss mo sa isang lalaking hindi mo naman kilala sa umpisa pa lang, hindi mo mahal...