Kimpoy POV
“Michael” kalabit ko sa kanya. Nandito nga pala kami sa tambayan namin
“Bakit?” tanong niya ng hindi tumitingin sakin
“May napapansin ka ba kay Hoya?” nakakapanibago talaga sya eh
Tinitigan niya ng mabuti si Hoya yung para bang iniis-scan ang buong katawan nito.
“Mas gwapo pa rin ako sa kanya. Bakit?” Tss -_-* Sarap mo ibaon sa lupa!
“Ewan ko sayo” -_-*
Paano ba naman kasi this past few days ang tahimik niya na akala mo di makabasag pinggan. Ano kayang nangyari dito? Hindi ako sanay na ganito ang mokong na ‘to eh. Nakakapanibago talaga. Dahil nacu-curious ako nilapitan ko na siya
“May problema ka ba?” at pinatong ko ang kanang kamay ko sa kaliwang balikat niya
“Ha? Wala pre” sabay iwas ng tingin sakin. Mukhang may tinatagong sikreto ‘to ah?
“Alam kong may tinatago ka pre, kilala kita kaya sabihin mo na yan. Wag kang magdrama di bagay sayo, ang baduy. Dahil ba sa tatay mo yan?” tumabi ako sa kanya. Yung Michael kasi busy sa cellphone niya. Nakikiuso kasi kaya ayan paselfie-selfie ang mokong, ang baduy din ng isang ‘to
Ilang sandali pa nagsimula na rin siya magkwento. Kitang-kita mo sa mga mata niya ang mga problemang dinadala niya. Hindi ko alam pero parang naaawa ako sa sitwasyon niya ngayon?
“Yung walanghiya kong tatay, gusto akong isama sa ibang bansa” at napa-brush nalang siya sa buhok niya
“Bakit naman gusto kang isama?”
“Para dun na raw ako mag-aral hanggang kolehiyo” kitang-kita mo sa mga mata niya na masyado siyang nag-aalala sa pwedeng mangyari sa kanya sa hinaharap
“So…anong balak mo?”
Magsasalita na dapat si Hoya ng may pumasok na tae este tao pala. -_-
“Anong meron pre? May gig ba?” tingin sakin tingin din kay Hoya
“Alam mo Michael ang baho ng pasok mo?” pang-inis lang, ang ganda na ng moment namin nitong si Hoya tapos sisirain lang ng mokong na ‘to
“Bakit? Naamoy mo ba?” sarcastic niyang sabi
Ay aba naman talaga! Pasaway na Michael ‘to!
“Ewan ko sayo!” hindi ko na siya muling nilingon baka masapak ko lang ‘to, ibang-iba pa naman ang atmosphere (atmosphere talaga? XD) ng lugar na ‘to
“Hoy! San ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap!” sigaw ko sa kanya
BINABASA MO ANG
First Kiss
RomanceSabi nila ang First kiss raw ay napakahalaga sapagkat sa taong pinakamamahal mo lang ito ibibigay na iyong papakasalan balang araw. Pero panu kung nabigay mo ang first kiss mo sa isang lalaking hindi mo naman kilala sa umpisa pa lang, hindi mo mahal...