Peachy's POV
Bwesit! Bwesit! Yung Baboy na Nigel na yun! Humanda siya sakin bukas! 20 pa score niya, tie pa kami at pinahiya niya pa ako sa school, humanda talaga sakin yun!!
Actually, I'm on my way home, kasama ko si Mang Andoy, driver namin, ipapahinto ko lang siya sa isang mall, may bibilhin lang ako, ang CHOCOLATES *O* kasi sabik akong kumain dahil na e-estress ako sa pinag gagawa ni Baboy sakin, stress reliever ko ang mga chocolates, tuwing sad ako,tuwing kinakabahan,ay basta!
Ngayon ko din palang plano sabihin kela Mom na naging President ako sa class namin baka di sila busy sa company namin at mapag tounan nila ako ng pansin kahit 5mins man lang pero kapag si Ate,may oras talaga sila kahit busy sila sa work,ay ewan..gustong-gusto ko talaga kumain ng Chocolates ngayon lalo na't mix ang emotions ko tsaka wala na din akong stocks sa mini fridge ko sa kwarto.
Nang maka pasok ako sa Mall,sabi ni Mang Andoy na doon nlang daw siya mag-aantay sa parking lot,total di naman daw gaano ka-bigat ang mga tsokolate,sa bagay...pumunta kaagad ako sa isang chocolates section at nag pili,paborito ko ang ferero rocher,kaya kumuha din ako nun total may card naman ako.
*pili*
*pili*
*pili*
*pumuntang counter*
*nag bayad*
Lumabas na kaagad ako ng section na yun. Madami akong pinili.. Goya,Hershey's,Diary Milk,Kit-Kat,M & M's at iba pa.
Pumunta kaagad ako sa parking lot at sumakay sa kotse.
Haaay...nakakapagod din pala minsan kung lagi nalang kaming nag-aaway ng Nigel na yun,di nman ako umuna eh.psh.
Nag simula ng i-andar ni Mang Andoy ang engine ng maka pasok ako sa kotse.
Ipinatong ko muna ang mga bags na dala ko sa gilid na may laman na Chocolates total nasa back seat naman ako at umidlip muna.
Nigel's POV
Alam niyo bang nakita ko si Quack kanina sa Mall? Ay di niyo pala alam..
Nakita ko siya sa section ng mga tsokolate,naisip ko ngang pag tripan siya nun eh pero masyadong public,sinundan lang ng mga mata ko ang kilos ni Quack pero sandali lang ay nakalabas na siya na may dalang mga bags of chocolate,ngayon ko lang nalaman na paborito niya pala ang mga chocolates.
Andun kasi ako sa Mall dahil bibili ako ng mga chips, my fav. kasi wala ng stocks sa cabinet ko sa kwarto,kaya yun! Nakita ko siya..
"Oh baby kakarating mo lang? How's your day?"-si Mom =___= tinatawag niya akong baby kahit matanda nako,tch.
"Mom,di na po ako baby,4th year High School napo ako,magkaka college na next year,Teenager napo ako"-sabi ko kay Mom
"Okay,okay.. I understand,nahiligan ko na kasi yun since nung maliit ka pa anak"-Mom
"Okay po,Okay lang naman din ang araw ko po,pagod lang po ako,akyat muna po ako Mom"-sabi ko kay Mom at di ko na inantay sagot niya at pumunta na sa kwarto ko,humiga sa kama ng pa dive pero pa talikod, alam niyo yun? Hahaha. Ge, matutulog na muna ako sandali. Pinapagod ako ni Quack eh.
Peachy's POV
Di ko namalayan na nakarating na kami sa bahay,nasilawan kasi ako sa ilaw ng gate namin kaya naka-gising ako,pinara muna ni Mang Andoy ang kotse sa tapat ng door ng mansion at bumaba kaagad ako.
"Maraming salamat po Mang Andoy"-sabi ko bago ako pumasok sa loob
"Walang anu man po Mam"-as he replied
Sinalubong ako ni Manang Glen na kasambahay namin.
"Magandang gabi po Mam"-sabi niya tapos nag bow
"Magandang gabi din po,san po sila Mama at Papa?"-tanong ko
"Nasa office po nila Mam"-sagot niya
"okay po Manang,paki akyat nlang po ang mga eto sa kwarto ko,salamat po"-sabi ko at pumunta ako kaaagad sa office nila Mom at Dad,may office sila dito kasi may tinatrabaho din sila kahit andito sila sa mansion.
Nang maka pasok ako sa office nila,bago pumasok eh kumatok muna ako syempre
Busy sila,totok sa computer at laptop while may sinusulat na din sila sa gilid para makuha ko atensyon nila ay:
"Good Evening Mom & Dad"
"Oh anak,you're here,bakit may problema ba?"-tanong ni Mom sakin habang totok pa rin sila sa pinag gagawa nila
"Ay wala po,wala pong problema,may good news lang po sana ako sa inyo"-sagot ko
"Ano yun baby?"-tanong ni appa
"ahm..Mom & Dad,president po ako sa class ngayon"-sabay smile pero totok pa rin sila sa ginagawa nila, this feeling tho.
"Ah ganun ba?Keep up the good work baby"-sabi ni Dad
"I'm so happy for your news anak pero kailangan ko talagang ayusin tong mga papeles eh"-sabi ni Mom at lumapit sakin.
"I'm very proud of you,keep it up"-sabay kiss sa noo ko at bumalik na siya kaagad sa swivel chair niya at lumabas na din ako sa office nila.
This feeling sucks pero kapag si Ate may ipa-party pa,gusto ko na talaga kumain ng chocolates ngayon.
Umakyat nako at naglakad papuntang kwarto,nakita ko ang mga paper bags na pinamili ko,binuksan ko ang isa at kumuha ng limang maliit na kit-kat at binuksan at kinain yun.
Yung feeling na ganito,parang may favoritism,ginagawa ko ang lahat para ma-proud sila pero ang lagi kong naririnig ay ang mga words lang nila na may "proud".
Proud ba talaga sila?
Di ko namalayang nangingilid na luha ko.
O sadyang kulang pa talaga yun? Higit pa si Ate eh, words lang nila pinaparamdam sakin,walang actions.
Napa sandal ako sa head board ng kama ko habang kumakain ng chocolates,stress reliever ko to.
Pinahid ko ang mga luha ko at sinabi sa sarili:
"Kaya mo yan peachy,di ka naman magpapatalo kay Baboy di ba?"
Humanda ka sakin Baboy, intayin mo ang bukas at magkaka matayan tayo,psh.at nag bite ng chocolates.
-
Support? Begging for votes & comments. GBU Readers :*