CHAPTER 6
Emerald’s POV
When I discovered daddy is not breathing, I hurriedly shouted to mom for help. Mommy immediately called an ambulance, hoping that dad can still revive.
And now, we’re here in ambulance. Nilagyan nila agad si daddy ng oxygen. Hinawakan ko yung isang kamay ni daddy. Malamig na.
“M-Mom, d-dad’s will b-be okay right? D-Di ba hindi niya tayo iiwan?” I asked my mom while crying.
Nasa tabi ko si mommy, tahimik na umiiyak. Kanina nung sumigaw ako na tumawag siya ng ambulansya, nag-panic agad siya. Sobrang nataranta si mommy.
Nag-nod lang siya at hindi nagsalita. Pain, fear, sadness are written in my mom’s face.
Alam kong hindi kami iiwan ni daddy, lalo pa ngayon sa kondisyon namin. He wouldn’t want to leave us in our agony. Kilala ko si dad, mas uunahin niya ang iba kesa sa sarili niya.
Pagdating namin sa hospital, sinugod agad si dad sa ER. Ayaw ko pa sanang umalis sa tabi ni daddy pero bawal daw ako dun. Maghintay nalang daw ako sa labas.
Nakita ko yung doctor ni daddy na papunta sa ER. Agad ko siyang nilapitan at kinausap.
“D-Doc p-please *sniff* do everything to save my dad. Please, let him back. I’m begging you.” sabi kong hirap na hirap sa pagsasalita dala narin ng sobrang pagiyak.
“We will Ms. Penford. Excuse me, I have to go now.” at nagmamadaling pumasok ang doctor sa loob ng ER.
Madamme’s POV
“Madamme, nandyan pos a labas si Rey. May maganda daw po siyang balita.” sabi nung personal secretary ko.
“Let him in.” utos ko
*creeck*
“Good Evening Madamme, may mag---
“Just get straight to the point Rey! Dami mo pang satsat.”
“Yung tandang Penford ho kasi, nasugod ngayon sa hospital. Mukhang mamamatay na. Malala daw yung kondisyon.”
When I heard his good news, my serious face suddenly curved a smile. A sweet and a happy smile.
“Really? That’s so very nice. What’s the name of the hospital and his doctor?”
“Sa Watty Grace Hospital ho. Dr. Hub po ang in charge sa matanda.”
“Very well said. You have done an excellent work, and because of that, you may take this.”
I handed him a P50,000. cash. Masiyado akong natuwa sa kanya kaya naman he deserves a prize.
“Thank you ho Madamme, alis na ko.” sabi ni Rey pagkakuha ng pera at umalis na agad.
Isa siya sa mga tauhan ko sa pagbabantay sa Penford’s. Marami akong galamay pagdating sa Penford’s, nagkalat sa paligid.
And the news brought me so much happiness. Dapat lang yun sa kanila! Kulang pa yan, ang dapat, silang lahat ay mamatay!
I called my secretary and commanded him to call the said hospital.
“Bakit niyo po gustong tawagan Madamme?”
I smiled.
“Just want to make sure that this will be the last day of Mr. Penford.”
Then my secretary immediately dialed the hospital number.
Third Person POV
Hindi mapakali si Emerald dahil mahigit 5 oras na ang daddy niya sa loob ng ER. Wala pa ding lumalabas na doctor para sabihin kung ano na ang balita. Ang mommy naman ni Emerald ay kanina pa tulala. Tila ka’y lalim ng iniisip nito dahil kanina pa ito walang imik.
Bagama’t nag-aalala si Emerald sa mommy niya, kailangan niya ngayong maghanap ng pera. Nag-paalam siya sa mommy niya pero parang wala lang itong narinig. Nakatulala parin ito.
Bago umalis si Emerald sa hospital, dumaan muna siya sa chapel. Noong mayaman pa sila, hindi niya kailanman naranasan na kausapin ang Nasa itaas dahil ang katwiran niya ay halos nasa kanya na lahat.
At ngayong nanganganib ang buhay ng kanyang ama, lumapit siya ritong muli. Simula naghirap sila, natuto siyang makipag ugnayan sa taas. Hindi katulad noon, ngayon nagdarasal na siya lage. Madalas niya ding kausapin ang nasa Itaas na wag silang pababayaan. Natuto rin siyang magpasalamat kahit papano, sa mga biyayang natatanggap nila ng kanilang pamilya.
Pagkatapos niyang mag dasal, lumabas na siya ng hospital. Walang kasiguraduhan ang kanyang pupuntahan pero kinakailangan niya talaga ng pera.
Hindi naman niya pwepwedeng malapitan ngayon ang pinsan niyang si Diamond dahil tiyak na madadamay lang ito sa paghihirap niya.
Habang naglalakad siya sa kalsada at may malalim na iniisip, hindi niya napansin o naramdaman na may kanina pa nakasunod at nakamasid sa kanya…
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
isang taong kanina pa siya minamatyagan simula nang dumating sila sa hospital.
---------------------------------------
A/N:
Yey! Dumadami ang reads, salamat po J
At dahil Masaya ako kahapon dahil muli kong nakasama ang tropa, sinipag akong mag-update.
OMG! Sino kaya yung sumusunod kay Emerald? Tsk tsk…. wawa naman si Emerald L
Abangan sa next chappy kung sino J
Lolovesall,
MissAnnlovable
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To The Devil
ChickLitLahat gagawin ko. Kahit pa ibenta ang sarili ko.