Chapter 41
Let the deadly game begin….
Unang nakarating ang leader ng Governors na si Rusty. Nagtanggal siya ng helmet at saka pinasadahan ng insulting tingin ang gusaling nasa harap niya ngayon. Sumunod na dumating si Ryder na sinundan ni Velvet. Huling dumating si Twinx na may galit na mga mata.
“Ready your armors governors. Papasok tayo sa balwarte ng kalaban.” Paalala ni Rusty sa mga kasamahan
Dinala ng bawat isa ang mga sandata hanggang sa abot ng kanilang makakaya, nang makasigurong sapat na ang mga sandatang dala, nagtinginan na silang apat.
“Okay, maghihiwa-hiwalay tayo. Ako dun sa north, ikaw Ryder at Velvet sa west wing, at ikaw naman Twinx sa east wing. Magkita-kita tayo sa south kapag tapos niyo na ang misyon niyo.” Instraksyon sa kanila ng leader nila
Pagkatapos magbigay ng instruction, kanya-kanya na silang punta sa mga destino nila. Napakatahimik ng ginagawa nilang paglalakad papasok sa loob. Ang mga security guards na nagbabantay sa labas ay pinangunahan nang patulugin ng spy nila sa loob. Sa pamamagitan ng paglalagay ng sleeping pills sa inuming kape ng mga ito.
Walang kahirap hirap na nakapasok mula sa entrance si Rusty. Katulad ng mga security sa labas, tulog din ang mga checker na nagbabantay mula sa loob. Dumiretso siya sa itaas na bahagi ng gusali. May nakita siyang taga linis ng BCC na papalapit sa direksyon niya. Maingat siyang humakbang at pag ka liko ng lalaki, maagap niyang hinawakan ito sa leeg at binalian.
*****************
Samantala, magkasama naman si Velvet at Ryder na nagtungo sa destinisyon din nila. May nakasalubong rin silang mga ibang trabahador ng BCC pero walang kaabog-abog na pinaulanan lang nila ito ng bala mula sa silencer nilang mga pistol gun.
Pagkaliko nila sa isang pasilyo, nakarinig sila ng kung anong ingay na nagmumula sa nakasarang pinto ng elevator. Hindi nalang sana nila iyon pagtutuunan ng pansin ng sumigaw mula sa nakasarang pinto ng elevator ang taong nandoon.
“Help me get out of here! Administrant Viper inside!”
Sabay na nagkatinginan ang dalawa at saka ngumisi. “Well, we found the first administrant to be killed.” Natutuwang bulong ni Ryder kay Velvet
“Exciting!” natutuwa ring tugon ni Velvet
Nagtulungan si Ryder at Velvet sa pagbubukas ng nakasarang pinto ng elevator. Sabik na sabik na silang patumbahin ang isa sa anim na administrant ng nasabing korporasyon.
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To The Devil
Chick-LitLahat gagawin ko. Kahit pa ibenta ang sarili ko.