ISMSTTD (Chapter 20)

4.6K 55 2
                                    

Chapter 20

Emerald’s POV

“Gosh Emerald! I missed you so much!”

Mahigpit akong yakap ni Diamond. Hindi ko napigilang mangilid ang luha ko sa tuwang nararamdaman ko ngayon. Just imagine how lucky I am to have a cousin like Diamond. It’s a good thing and feeling na kahit iniwan at tinalikuran ako ng pamilya ko, nandyan parin si Diamond sa tabi ko.

“S-Sorry Dia, pinag-alala pa kita.”

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinitgan ako sa aking mga mata. Umiiyak din pala siya. “No, it’s okay. What matter the most here is that I …no, we finally found you.”

Tumango ako sa kanya at muling niyakap ang aking pinsan. Alam ko na pinag alala ko siya ng husto lalo na nung tinext ko siya habang nakikipaglaban ako.

Kumalas ulit siya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

“Malaki ang utang na loob ko sa kanya Ems.” Sabay lingon ng kanyang ulo sa sofa naming

Napasunod ang tingin ko sa ulo ni Diamond atsaka ko lang naalala na hindi lang mag-isang pumunta ang pinsan ko dito.

“Xavier?”

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan nang banggitin ko ang pangalan niya. Kilala ko siya. Isa siya sa mga taong nagawan ko ng masama at napagsabihan ng masasakit na salita noong bitch at bratinella pa ako. Pinagmasdan ko siya. Hindi ko ikakailang mas nagging gwapo siya ngayon. Mas nag matured ang kanyang hitsura ngayon na binagayan ng kanyang morenong balat. Wala na rin siyang nerdy glass kung kaya’t mas lalong lumitaw ang kanyang magaganda at expressive na mga mata.

“Glad you still remember me, Emerald.” Sabi niya atsaka siya ngumiti sa akin

Bumalik lahat ng masasakit na salita na sinabi ko sa kanya noon. Ang gaga ko para pagsabihan siya ng mga ganoong salita. Sa huli, kung sino pa ang mga taong hindi mo inaasahang tutulong sayo, ang siyang sasagip sa pagkakalugmok mo.

Lumapit sa direksyon naming ni Diamond si mommy at saka niyakap si Diamond ng maghigpit.

“Salamat Diamond sa paghahanap sa amin. Salamat.”

After naming mag-iyakan nila mommy, tinawag na kami ni dad para kumain.

“Pagpasensyahan niyo na ang naihain ko sa inyo. Hindi ko naman kasi alam na dadating kayo.” Sabi ni dad

“No, it’s okay tito. In fact, may dala akong food. Wait, I’ll get it in my car.” Sabi ni Diamond

Umupo na si mommy at daddy sa kanya kanyang upuan. Mabuti nalamang at pang animan ang table namin. Nanatiling nakatayo si Xavier sa isang tabi habang nakatingin sa akin. Naiilang man, nilapitan ko siya.

“Upo kana. Kakain na daw.” Naiilang kong sabi

Nanatili siyang nakatingin sa akin kung kayat lalo akong nailang sa kanya.

“You look so stressed Emerald. Ang laki ng ipinayat mo. Somehow, I still preferred the spoiled brat Emerald than seing you with this.” Concerned niyang sabi

Ngumiti ako ng pilit sa kanya at diretso siyang tinignan sa mga mata niya. “Sus, eh kung babalik ako sa pagiging brat ko, tingin mo kakausapin kita ngayon  ng ganito?”

Tumawa siya kung kayat tumawa na din ako. Madami din kaming napag kwentuhan ni Xavier. Maya-maya, bumalik na si Diamond. Inumpisahan na naming ang pagkain ng sabay sabay. Kahit na kumain na ako kanina, feeling ko nagutom ulit ako. Mas masaya kasing kumain pag kasama mo ang pamilya mo.

I Sold Myself To The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon