ISMSTTD (Chapter 7)

5.6K 69 5
                                    

A/N:

At dahil matagal akong di naka update, you desserve a good chapter guyz! Enjoy reading, prepare yourself for a "little" fight scene. Muah!!

-------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 7

Emerald’s POV

Naglalakad ako na lumilipad ang isip ko. Hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas para maipagpatuloy pa ang labang ito. Napakalupit ng taong may sala nito sa amin.

Gusto kong panghinaan ng loob, ngunit sa tuwing maaalala ko ang kritikal na kalagayan ni dad, ang tulalang reaksyon ni mommy, nagkakaroon ako ng lakas ng loob.

At ngayong naglalakad ako sa hindi ko alam na pupuntahan, wala akong kasiguraduhan kung saan ako makakakuha ng pera. Kung pupwede nga lang sanang umulan ng pera, o kaya naman ay mayroon ngayong lumitaw na pera sa harap ko edi sana di  ako namomroblema ngayon.

Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko na alintana kung pagtinginan man ako ng tao dahil sa namamaga kong mata at dahil narin sa ayos ko ngayon, wala na akong pakialam. Ang mahalaga sa akin eh, makahanap ng pera.

Saglit akong napatigil nang naramdaman kong kanina pa may nakamasid sa akin.

(>>_____>>) *tingin sa kanan*

(<<______<<)*tingin sa kaliwa*

Wala naman akong nakitang kahina-hinalang tao sa paligid. Ang lahat ay ng tao sa paligid ay normal na nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nagliligawan, naglalakad. Buti pa sila, parang walang ka proble-problema. Samantalang ako, punong puno ng problema sa buhay.

Pero hindi parin ako nagpakampante na walang nagmamasid sa akin. I know, someone is watching me behind my back. Malakas ang instinct ko, alam kong hindi ako naglalakad ng walang kasama.

I start to walk again, this time slowly and carefully. I can still sense that someone is following me.

I prepared myself. Whatever happens, I must be ready. I count 10 seconds inside my mind and sharply turn my back.

But then again, I saw nothing.

I sighed heavily and search the place. But no signs of other presence. Hindi  ako pwedeng magkamali, kung sino man ang taong yun, halatang bihasa siya sa mga ganitong bagay. Nakasisiguro akong stalker yun dati. Tss!

Naglakad ulit ako, napansin kong napalayo na ko ng husto sa hospital. Nakaramdam na rin ako ng pagod at ng panghihina. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakakain simula kaninang umaga.

Noong dating mayaman pa kami, hindi mo ako mapaglalakad. Kahit na sobrang lapit lang, ayaw ko parin dahil ayokong sumasakit o sumasayad ang mamahalin kong mga sapatos sa lupa.

Pero ngayon, akalain mong nakapag lakad ako ng sobrang layo na hindi inaalintana  ang kumukulo kong tiyan. Pagtingin ko sa sapatos na suot ko, napansin kong medyo napudpod na ito, at may paltos narin ang paa ko.

I Sold Myself To The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon