Chapter 29
Emerald’s POV
“Uh---”
“No. My decision is final. You go inside now, Lady Lilith. I have some important thing to do.”
Napakagat labi ako at napatango ng ulo. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin. Nasa loob pa kami ng sasakyan niya at inuutusan niya na akong pumasok sa loob ng bahay. Nasabi niya kasi sa akin na may operasyon pala ngayong gabi at kami dapat ni Enchant ang tandem. Pero dahil sa nangyari kanina, he don’t want me to “work” for tonight. I told him that I can still manage to go but he’s insisting me to get inside of our house and call it a night.
Huhubarin ko na sana ang leather jacket niya pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan ang ginagawa ko. Napatingin ako sa kanya. He’s giving me that cold stare again. And I don’t like it.
“Stop it. Don’t tempt me Lady Lilith. Remember that I am still a man.” Makahulugan niyang sabi sabay bitaw sa kamay ko
Halos masampal ko naman ang sarili ko sa katangahang muntik ko nang gawin. Kusang uminit ang pisngi ko kung kaya’t napatungo nalang ako ng ulo. Stupid me. Bakit ko nga naman huhubarin ang jacket niya? Edi parang pinakita ko narin ang kaluluwa ko sa kanya?
Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan niya para lumabas. Liningon ko siya bago ako bumaba pero…hindi niya man lang ako matingnan. Diretso siyang nakatingin sa labas habang may malamig na aura. Hindi ko alam pero, mistulang may kumirot sa puso ko. Parang may tinik sa loob ng dibdib ko. Masakit.
“I-I’m going. Goodbye Lord Master. T-Thank you for saving me.” Sabi ko habang nakatingin parin sa kanyang poker face na mukha
He didn’t dare to look at me and say a single word. Yumuko nalang ako at tuluyan nang lumabas sa sasakyan niya. Pagkasara ko sa pintuan ng sasakyan niya, tumayo pa ako doon. Aalis na sana ang sasakyan niya pero…ewan ko kung anong nangyari sa akin at bigla kong kinalampag ang bintana ng sasakyan niya.
Napalunok ako ng tumigil ito. Ibinaba niya ang salamin ng bintana niya. Akala ko titignan niya ako pero katulad kanina, diretso parin siyang nakatingin sa kalsada. It’s hurting me inside and I don’t know why.
“Why?” malamig ang kanyang boses na tanong sa akin kahit na hindi naman nakatingin
Malayong-malayo kanina sa “lord master” na nagligtas sa akin. Hindi siya ganito kanina. He was…warm and caring.
“Uh..I-…take care.”
Hindi ko na kinaya pa ang tumayo doon kung kayat tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay. Narinig ko rin naman ang pagharurot ng sasakyan niya kaya medyo lumuwag na ang pakiramdam ko.
Pagpasok ko sa loob ng bahay, dumiretso na ako sa aking kwarto. Tulog nang parehas si mommy at daddy. I don’t want to wake them just because I arrived at home. Pagkadating ko sa kwarto ko, umupo ako sa dulo ng kama ko. Natulala ako at kusa kong hinawakan ang labi ko.
Bakit ganon?
Bakit ganoon ang impact sakin ng isang halik na iyon? I can still feel his warm and soft lips. Pati ang paghawak niya sa akin habang buhat niya ako kanina…lahat iyon nanunuot parin sa ala-ala ko hanggang ngayon.
Humiga ako habang nakatulala naman sa kisame. Nanumbalik ang ala-ala na kamuntikan na akong mahalay kung kayat nayakap ko ang sarili ko. Kumawala ang isang luha mula sa aking mata. Kasabay ng pagdaloy ng ala-ala ay ang pauli-ulit na pagrehistro ng mukha ni Lord Master sa isipan ko. Hindi ko matanggal. Kahit anong taboy ko sa isip ko, siya at siya parin ang nandoon.
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To The Devil
ChickLitLahat gagawin ko. Kahit pa ibenta ang sarili ko.