Chapter 8

159 13 0
                                    

Beth's POV

Umuwi ako sa mansyon namin na wala talagang kagana-gana. Bakit kaya?

Umupo lang ako sa sofa tapos naglaro ng cellphone ko.

Maya-maya nabored nanaman ako kaya pumunta ako sa garden namin at umupo dun sa duyan.

Napa-buntong hininga na lang ako kasi bored na bored na talaga ako.

Bigla akong inatake ng gutom kaya pumunta ako sa kusina para magluto.

Pagkadating ko sa kusina nakita ko sila Tommie at Miggy, nakain sila ng hotdog at rice

"Nakabusangot ka?" tanong ni Miggy tapos kinagatan ang hotdog.

"Oo nga. Bakit ka nakabusangot?" sabibni Tommie habang nanguya.

"Wala... penge naman ako" sabi ko tapos kumuha ng plato tapos nagsandok ng kanin tapos kumuha ng hotdog.

"Gusto mo punta tayong park.. yung dati nating pinupuntahan nung bata pa tayo" sabi ni Tommie tapos lumagok ng tubig.

"Ayoko" sabi ko tapos kumagat ng hotdog.

"Hello" biglang pumasok si Kim dun sa pinto namin sa kusina.

"Bakit nakabusangot ang Eli namin?" sabi ni Kim tapos inakbayan ako.

"Ewan" sagot ni Miggy tapos uminom ng tubig.

Inalis ni Kim ang pagkaka-akbay sa akin tapos pumuntang sala.

"Alam ko na.... swimming tayo" sabi ni Tommie tapos ngumiti sa akin.

"Kayo na lang" sabi ko tapos sumubo ng hotdog at kanin.

"KJ mo" sabi ni Tommie tapos ngumuso.

"Teka.. sabihin mo kasi kung bakit ka nakabusangot" sabi ni Miggy.

"Hindi ko nga rin alam" sagot ko.

Tumahimik na lang sila at kumain na lang.

Pagkatapos kong kumain nilagay ko yung plato sa lababo tapos umakyat na ako papuntang kwarto.

Gabi naman kaya natulog na ako. Kaboring naman talaga.

Nick's POV

Nagising akong bigla sa isang maputing kwarto. Sumandal ako dun sa unan para mas makita ko kung nasaan ako.

Nakita ko si Daddy at si Sandy nakasandal dun sa upuan. Natutulog.

Niyugyog ko sila para magising. Minulat nila yung mata nila.

"Buti na lang nagising ka na" nag-aalalang sabi ni Daddy tapos yinakap ako.

"Kaya nga kuya!" sabi ni Sandy tapos yinakap ako.

"Grabe kayo mag-alala eh" sabi ko tapos yinakap din sila.

Bumitaw sila sa pagkakayakap tapos tinignan ako.

"Kailan ako makakalabas?" tanong ko.

"Bukas pwede ka nang lumabas, nabayaran ko na yung mga hospital bills" sagot ni Dad tapos ngumiti. Biglang kumulo ung tiyan ko..

"may pagkain ba dyan?" tanong ko. Tinuro lang ni Sandy yung plastic dun sa table sa gilid ko. May Chicken fillet na naka-box.

Binuksan ko na yung box tapos nagsimulang kumain.

FAST FORWARD

Pagkatapos kong kumain umuwi na sila Dad tapos ako naman ay humiga na.

Pinikit ko yung mata ko tapos ayun nakatulog na ko.

Kinabukasan...

Nakalabas na ako ng hospital. Nandito ako ngayon sa bahay. Di muna ako pinapasok kasi kagagaling ko lang sa hospital.

Tumayo ako at umakyat sa kwarto ko. Pagkapasok ko nag-laptop muna ako para mabawasan ang pagka-bored ko.

Pagka-bukas ko ng facebook maraming nag-pose sa timeline ko.

May nangangamusta sa akin. May nagtatanong kung bakit di daw akong pumasok. Meron naman mga babaeng nagsasabing "i love you"

Biglang nag-pop out sa isip ko yung mukha ni Beth at di ko rin alam kung bakit ko hinanap ang facebook account nya.

Nung nakita ko na yung profile nya tinignan ko yung mga picture nya dati.

Ang cute pala nya nung bata sya... pero wala akong gusto sa kanya. Cute lang talaga sya.

Biglang may notification na lumabas....

Elizabeth Mendoza ignored you're friend request..

Napa-busangot ako kasi ewan ko.

Di ko na yun pinansin tapos tinignan ko pa yung mga picture nya.

May nakita akong picture nya naka-two piece lang. Sexy nya pala.. teka ano hindi noh! Rami kayang taba nun sa katawan.

"Himala kuya... ikaw unang nan-stalk sa babae" biglabg sulpot ni Sandy sa likuran ko. Agad kong sinara yung laptop ko.

"W-wala akong g-usto sa b-babaeng yun noh" utal na sambit ko. Teka bakit ako kinakabahan?!

Bigla akong pinag-pawisan kahit naka-todo yung aircon.

"Kinakabahan check! Nauutal pag tumatanggi check! Pinagpapawisan kahit naka-aircon check! Inlove ka nga" panunuya ni Sandy habang ginagawa yung check gesture gamit ang kamay nya.

"labas!" sabi ko tapos tinuro ko yung pintuan.

Nakayuko syang pumunta sa pintuan. Nang makarating sya sa pintuan tumingin sya sa akin at nag-smirk...

"Inlove si kuya!" Siguro nga-- teka ano?!

Basta! Di ako inlove sa babaeng yun





Make You Feel My Love (AlDub FanFiction)(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon