Nick's POVKaya ko lang naman pinasali si Beth sa Truth or Dare para sa revenge ko.
Pinaikot ni Sam yung bote at tumapat kay Mika yun.
"Okay Mika truth or dare" -sam
"Dare" - Mika
"Okay.... kiss mo si Ethan" biglang kumislap ang mata ni Ethan. Para bang excited ito.
"Sa CHEEKS" napa-busangot si Ethan. Hahaha kala nya makaka-score sya. Pumunta si Mika sa tabi ni Ethan at hinalikan ito sa cheeks.
Pinaikot ulit ni Sam yung bote at tumapat iyon sa akin..
"Truth or Dare" -sam
"Truth" - nick
"Kayo na ba ni Beth?"
Tumango ako. Tumingin ako sa kanya at nanlaki ang mata nya. Bigla nya kong sinuntok sa dibdib ko.
Maine's POV
Anong kami na?! Yuck!
"Di totoo yan! Wala ka ngang tinamaan na personalities ng ideal man ko noh! Malugi pa ako pag naging tayo" inis na sabi ko.
"ikaw pang malulugi?! Excuse me" si Nick
"Ikaw na... ikaw na ang gwapong-gwapo sa sarili" sabi ko.
"Yun nga ang sabi nila" sabi nya. Tinignan ko sya.
"Iba rin" sabi ko.
"Hephephephep... masyado na kaming nilalanggam dito oh. Pakitigil naman" sabi ni Mika.
Di ko na lang sya pinansin tapos nag-focus sa game.
Pinaikot ni Sam yung bote at tumapat naman sa akin.
"Dare" sagot ko kahit wala pang nagtatanong.
"Okayy! May dare na ako" sabi ni Nick. 0___o
"Kiss mo ko" sabi nya.
"Woah galawang breezy" sabi ni Sam
"Sa cheeks lang. Baka magasgasan ang kissable kong cheeks" sabi nya. Hinampas ko sya sa braso.
"Pikit!" Inis na sabi ko.
"Ayaw" - Nickulet
"Edi di ko gagawin" sabi ko tapos nag-cross arms.
"Eto na nga... ginagawa na" sabi nya taopos pumikit.
Nilapit ko na yung mukha ko sa kanya.
5 inch...
4 inch...
3 inch...
2 inch...
1 inch...
*Tsup*
Bigla syang humarap dahilan para lumapat ang labi ko sa kanya!
"Manyak!"
"Manyak"
"Manyak!"
Hinampas ko sa kanya yung bote ng paulit-ulit.
"Sweet nyo" sabi ni Mika tapos ngumisi. Namula ako dahil kay Nick.
"Woahhhh" sigaw ni Sam na kinikilig ngayon.
"Ayoko na nga" sabi ko tapos tumayo.
"Wag kang KJ! Dare nga eh" sabi ni Sam.
"Dare nga pero sa cheeks lang... pero anong nagyari naging lips" mataray na sabi ko.
FAST FORWARD
Hanggang ngayon mainit pa yung ulo tungkol sa nangyari kanina sa rooftop. Kasama ko ngayon si Jean at Jeanine. Nandito kami sa mall.
"Busangot much?" sabi ni Jean.
"*Sigh* nagtanong ka pa Jean eh alam mong pag nakaganyan yan ay may nag-away nanaman sya pati si Nick" sabi naman ni Jeanine.
Nainis ako kaya humiwalay muna ako sa kanila. Ayoko munang marinig syung pangalan nung Nickulet na yun.
"Wait lang! Hoyyyy!" sigaw ni Jean habang hinahabol ako.
Bigla na lang akong may nabangga. Kaya napaupo ako sa sahig.
"Sorry" sabi ko tapos tumayo.
"Anong sorry! May magagawa ba ang sorry mo?!" sabi nung babaeng matangkad, sobrang maputi, maganda, sexy. Pero mas lamang ako sa ganda.
Kaya yata itong babaeng 'to pumuti kasi lumaklak ng isang drum ng gluta.
"Di kasi natingin sa daanan" galit na sabi nung babae.
"Kaya nga sorry diba" sabi ko nang medyo nagtaas na ako ng boses. Sobrang arte. Alam nyo yung kasabihan na: Merong magagandang masarap tignan pero merong maganda na masarap na tadyakan sa sobrang kaartehan.
"Oi! Nandito ka lang pala" sabi ni Jean tapos tumabi sa akin.
"oo nga! Paikot-ikot kami dito sa mall" sabi naman ni Jeanine.
"Stacey!" biglang may dumating na dalawang babae. Mukhang bff 'to ni gluta.
Tumalikod si gluta tapos sinalubong yung bff.
"Sino yan?" tanong nung isang babae kay gluta. Biglang may binulong ito kay gluta habang nagmu-mukhang diring-diri sa suot.
"true! Ang waley nga ng suot oh! Mukhang basura" nagparinig si Stacey tungkol dun sa binulong nung babae.
"Excuse me?" sabi ko tapos tinignan si gluta ng masama.
"Medyo nakakainis ka na ah" sabi ko tapos tinignan sya ng masama.
"Bakit totoo naman! Mukhang basura suot mo" sabi ni Stacey tapos nag-cross arms.
"Kaysa naman sayo. Napaikli ng damit! Kala stripper sa club! No wonder mahilig kang makipag-landian" sabi ko tapos tinarayan sya.
Sasampalin na sana nya ako pero nahawakan ko yung kamay."Don't you even dare! Kundi yang maputi mong balat magkakaroon ng mga scratches" sabi ko tapos tinalsik ang kamay nya.
Kala nya mahina ako ah! Well nakahanap ka ng taong kaharap mo!
============
#lateupdate
BINABASA MO ANG
Make You Feel My Love (AlDub FanFiction)(On Hold)
FanficElizabeth Mendoza also called as Beth, isang simple girl with a simple dream. Isa syang president ng student councilor, maganda, matalino at kaisa-isang anak. Though kaaplyedo ni Beth yung may-ari ng M.U. (Mendoza University) wala silang konek sa is...