Chapter 7

159 14 0
                                    


Beth's POV

"IKAW!"

Nandito so Nickulet?!.. my worst enemy!!

"Bakit ka nandito? Nickulet na nabili ng napkin" pang-aasar ko tapos umupo sa sofa habang nakataray sa kanya.

"Huh?" nagtaka si Kim kaya napakamot na lamang ito sa ulo nya.

"Ikaw muna. Radiong panget" sabi ni Nick tapos nag-cross arms.

"Wow. Hiyang-hiya ako sa mukha mo" - me tapos tumayo at nag-pamewang.

"Hmm talaga" -Nick habang sinasagi-sagi yung ilong nya.

"Pero forget that.. bakit ka nandito?" mataray na tanong ko tapos inayos yung damit ko.

"Ikaw muna" - Nickulet

"Ikaw muna" - me

"Ikaw muna" - Nickulet

"Ikaw muna" - me

"Ikaw muna" - Nickulet

"Ikaw muna" - me

"Ikaw muna" - Nickulet

"Aishh! Fine! Bahay ko ito" naiinis na sagot ko.

"Nag-iinuman kami" sagot nya.

"You know each other?" tanong ni Tommie tapos nag-taas ng isang kilay.

"N--Hmffft" nagulat ako nang lumapit sa akin si Nick tapos tinakpan ang bibig ko.

"Of course.. bespren ko nga sya eh" sabi nito tapos ngumiti. Pasimple kong kinurot yung tagiliran nya.

"Ahhhh!---ahhh diba bespren?" sabi nya tapos tumingin sya sa akin na may malaking mata yung parang nananakot. Well me can play too...

"Oo nga eh" inakbayan ko sya pero di akbay yung parang sinasakal sya.

"Bespren? Eh kung mag-asaran kayo eh parang gusto nyo nang patayin ang isa't-isa" takang sabi ni Miggy tapos humarap sa amin na ngayon ay pasimpleng kinukurot ang isa't-isa.

"Ganun kasi bonding namin ni Bespren" sabi ko tapos umupo sa sufa, sumunod ang loko.

"gusto mo sumali sa amin bespren?" sabi ni Nick tapos inakbayan ako.

"Ayoko.. bye tulog na ako" sabi ko tapos tumayo. Pasimple kong tinapakan ko yung paa ni Nickulet.

"Ahhhh!--- ahhh sige bye" sabi nya tapos tinignan ako ng masama. Hahahah.

"Pffft" nagpipigil ako ng tawa sa hagdan. His face was priceless kanina.

Agad akong tumungo sa kwarto ko. Pumasok ako sa kwarto ko tapos sinara't nilock at..

"HAHAHAHAHHAAAHAHAHA!" hagalpak ko habang nakadapa sa kama at hinahampas-hampas yung kama ko. Haha!

Nick's POV

"HAHAHAHAHHAHAHAHAHA!" narinig kong tawa ni Beth sa taas. Nakakainis talaga yung babaeng yun. Namumuro na!

"Bakit kaya natawa yun?" takang tanong ni Miggy. Nag-kibit balikat lang sila tapos ininom ying alak sa baso.

"Uwi na ako dude" sabi ko tapos tumayo na. Tumango lang sila tapos bumalik sa pag-inom ng beer. Medyo nahihilo na ako kaya naisipan ko nang umuwi.

Medyo pagewang-gewang pa ako papuntang kotse. Hilong-hilo na akong sumakay sa kotse. Pinaandar ko na yung kotse ko.

Habang nagda-drive ako di ko maiwasang mapahawak sa ulo ko dahil sa hilo. Medyo pumipikit na ako sa antok.

Habang nagda-drive ako bigla akong napapikit yung medyo matagal, kaya agad kong minulat ang ang mata ko. Pag-mulat ko...

*BOGSHHHHHH!*

Black out

Beth's POV

Kinabukasan...

Gumising na ako at dumiretso sa pagligo para pumasok sa school.

Pagkarating ko sa school parang may naramdaman akong feeling yung parang may kulang sa araw ko. Siguro yung kakulitan lang nila Jean at Jeanine.

Pumunta ako dun sa rooftop dahil dun kami mahilig tumambay ng tatlo.

Pumunta ako sa rooftop pero wala sila dun. Pumunta ako sa library pero wala rin. Pumunta ako ng canteen at nakita ko sila dun na nakain. Pero bakit parang hindi pa rin yun yung exact na gusto kong makita sa araw na ito?

"Hoy mga takaws!" walang ganang sigaw ko sa kanila tapos lumapit dun sa table nila. Umupo ako sa tabi ni Jean. Tinignan lang nila ako tapos bumalik sa pagkain nila.

"Ohh bakit ka naka-busangot?" takang tanong ni Jeanine habang nanguya. Nag-kibit balikat lang ako.

"Siguro namimiss mo na si Mr. Nickulet mo noh" panunuya ni Jean tapos ngumisi. Inirapan ko lang sya. Siguro nga. Teka kaaway mo yung panget na yun!

Naisip kong puntahan si John. Siguro yung crush ko lang hinahanap ng araw ko ngayon.

Tumayo na ako para pumunta ng classroom. Pagkapasok ko sa classroomnakita ko si John dun. Pero hindi eh. May hinahanap yung katawan ko na nawawala sa araw ko.

Siguro si namiss ko na si Nic--sino?! hindi! Hindi! Hindi ko sya hinahanap noh! Panget kaya nun! Ayoko dun sa lalakeng masamang ugali!

-----------

A/N:

Grabe!

Nakalagpas na rin ako sa isang chapter di ko mabuo sa isipan ko ang gagawin sa chapter na ito.

Wushuuu!

#ALDUBTheSumptousLunch

Sino kinilig ha! Sino gusto ng oxygen kanina ha?! Nandito yung redcross.

Sino hinimatay dahil sa kilig kanina?!

GRABE! ROGELIO! ROGELIO! ROGELIO!

Akin na yung chewibols ko!

Di ako maka-get over kanina.

Takbo pa more meng at tisoy!

Nadapa tuloy kayo! Haha pero okay lang over kill-lignis naman sila eh!

- joshy


Make You Feel My Love (AlDub FanFiction)(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon