Preface: Ascent of the Messiah

836 19 3
                                    

Tagapag-Kwento

        POGING araw sa inyo, mga kapatid. Ako si Donnie, a.k.a @YourWriterNextDoor. Isa akong Game Developer at nagsusulat ng mga kwento para sa mga computer games.

        Ikaw ba ay mahilig sa mga ma-aksyong labanan, Pantasya, Sci-fi, Paglalakbay at mga Anime? Mga kwentong kapupulutan ng aral, inspirasyon at kabayanihan? Istoryang may emosyon ngunit kwela? Hilig mo rin ba ang mga kwentong tulad ng sa mga RPG Games?

        Kung pasok sa panlasa mo ang mga nabanggit na kategorya, apir [insert gamit na napkin], PARA SA INYO ANG KWENTONG ITO.

Kwento

        Ang kwentong ito ay tungkol sa pagkakaibigan, paglalakbay, pakikipaglaban, mga aral ng buhay, kabiguan, pag-asa, lohika at pag-ibig.

        Samahan ang ating mga bida sa kanilang panibagong pakikipagsapalaran sa mundo ng Summoner's Grid.

        Ideyang hatid ng aking malikot na imahinasyon at kagwapuhang ang sarap pindot-pindutin.

Konsepto

        ANG Summoner's Grid: Ascent of the Messiah ay ikalawa sa tatlong aklat na aking isinusulat sa ilalim ng parehong titulo. NABUO ang konsepto nito mula sa hilig ko sa mga kwento ng paglalakbay, action, mga kakaibang kapangyarihan at kulitan.

        Umiikot ang istoryang ito dalawang taon matapos ang kwento sa unang aklat. Nakasentro ang kuwento sa pagbabalik ni Karen sa Grid at sa panibagong pakikipagsapalaran na kanilang kahaharapin sa pagpigil sa Bagong Imperyo at Banal na Konseho.

        Sana ay inyong magustuhan ang kwentong ito.

__________
Babala!! (Basahin bago magpatuloy)

1. Ang istoryang ito ay walang kinalaman sa isang Online Game, o mga laro. Hindi ito isang cliche story na patungkol sa VMMORPG.

2. Ang kwentong ito ay maaaring naglalaman ng mga usaping tumatalakay sa Relihiyon, Politikal at Siyensya na posibleng hindi angkop o taliwas sa inyong mga nakagisnang paniniwala.

3. Ang mga pangalan, kaganapan, bagay at ilang mga terminolohiya sa kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang.

4. Ang istilo ng pagkakalathala ng kwentong ito ay magkahalong pormal at impormal, base sa trip ko. Bwahaha. Walang malalim na tagalog dito. Poging writer, meron.

5. Mas bukas na kaisipan para sa mga mambabasa ay kinakailangan.

Summoner's Grid 2: Ascent of the MessiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon