Chapter 4.
Rae's POV
"What the hell was that?" bumangon ako sa pagkakahulog ko sa higaan ko.
"where Am I?" tanong ko ng hindi ko makilala yung kwartong kinaroroonan ko.
"Insan bangon na" rinig kong sabi ng isang tinig. Insan? Meron akong pinsan sa bahay namin? Sino?
"Aaah!" napatakip ako sa tenga ko nung marinig ko naman yung napakasakit sa tengang tunog nay un.
"Pinapagising ka na ni Inang dahil kakain na tayo ng umagahan" sabi nito sakin. Tapos dun lang nagsink in sa utak ko na, oo nga pala nandito na ako sa San Juaquin.
Kinuha ko yung wrist watch ko na pinatong ko sa katabing mesa at tumingin sa orasan.
"6:04? Who the hell eats breakfast at 6 in the morning on a vacation?" tanong ko lang sa sarili ko. pero sumagot naman si Erica.
"Ganito talagang oras ng almusal dito insan. Sige bumaba ka na ha. Masamang pinaghihintay ang grasya"
Langya naman o! halos kakatulog ko pa lang eh. Di kasi ako makatulog dahil namamahay ako. Di ko mabilang kung nakailang baling at baliktad na ko para lang mahanap ko yung tamang pwesto sa paghinga. Narong dadapa ako, tatagilid, titihaya o kaya napapaupo na rin pero wala talaga. Madaling araw na ata nung makuha ko yung tamang pwesto ko at makatulog ako tapos gigisingin ako ng 6 am? What the hell! Pabagsak akong humiga ulit sa higaan. Ang bigat bigat pa ng katawan ko. Hirap na hirap pa nga akong idilat yung mata ko. feeling ko kinakain na ng eyebag yung mata ko.
Saka nasan yung kulambo? Alam ko may kulambo ako kagabi?
Tapos narinig ko na bumukas yung pintuan.
"Insan bumangon ka na kung ayaw mong –"
"Stop! Oo na. babangon na ko!" awat ko sa kanya nung alam kong pagtatamain na naman nya yung dalawang takip ng kaldero na dala nya. Yun yung pinang-gising nya sakin kanina.
"Sige. Hintayin na lang kita dito sa labas." Napailing na lang ako at saka nagpunta na rin sa CR para magtooth brush para naman magising ako. Napatingin ako sa salamin ng cr. Basically this is my forst day here. Ito na talaga yun, ano kaya ang mangyayari sakin ngayong araw?
"Ah bahala na nga!" sabi ko na lang.
Pgakalabas ko ng kwarto nagulat pa ko nung may magsalita sa gilid ko. Tinotoo nya talaga na hihintayin nya ako.
Sa kusina nandun na rin si Inang at tita Elsa. Tapos may isa pang lalaki na hindi ko kilala.
"Kain na apo at magsisimba pa tayo" napangiwi ako. Magsisimba pala kami. Kelan ba ko huling pumasok ng simbahan? Ewan.
"Rae, ito pala si Kaloy. Anak ng kapitbahay natin. Pinag-iigib nya tayo. Wala pa kasi ang tito mo. Bukas pa uuwi kasama yung bunso namin" may isa pa pala silang anak. At nakalimutan ko na rin itanong kahapon kung nasan nga yung asawa ng tita ko.
"Ano po?" tanong ko kasi di ko masyadong naintindihan yung ibang sinabi. Pasensya na at tulog pa ang diwa ko.
"wala pa kasing linya ng tubig dito kaya sa poso pa rin kumukuha ng tubig."
"Ah ganun po ba." I saw a glass of milk on the table kaya ito yung una kong kinuha. Sanay din naman ako sa gatas at hindi ako tumitigil sa pag-inom nito kahit college na ko. Unang lagok ko pa lang napahinto ko na ko at di sinasadyang naibuga ko yung gatas.
BINABASA MO ANG
Meeting Cecille
Fiksi PenggemarThis is a story of a rich teenager who was thrown by her mother in the province to fix and change her messed up. Will she find something that will change her life or will she just face more complications? Starring Alyssa Valdez as Daniela Rae Altami...