Chapter 20

3.3K 141 18
                                    

Chapter 20


Rae's POV


"Nasan na ang kapatid ko?" sabi ng ate ni Kathy na humahangos papunta samin. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa labas ng kwartong pinagdalan kay Kathy. Kasama namin dito ni Cecille ang kuya nya.

"Nasa loob na. kasama si Erica" sagot ng kuya ni Ces. Pumasok naman yung ate ni Kathy at sumunod si Kuya Alvin.

"Kamustang lagay ni Kathy?" tanong sakin ni Tita. Kasama na rin kasi sya ni Ate Tere.

"Dengue daw ta." Sagot ko kay tita. Umiikot ang mga mata nya kaya naman alam kong hinahanap niya si Erica.

"Nasa loob si Erica Ta, sya ang nagbabantay kay Kathy" sagot ko sa hindi pa man nya tinatanong sakin. Tila nakahinga naman sya ng maluwag sa sinabi ko.

"Nako. Kailangan palang makausap ko si Kapitan para makapag-pausok na sa buong barangay at baka marami pa ang magkaroon ng dengue." Nag-aalalang sabi pa ni Tita.

"Sino po palang naghatid sa inyo dito?" tanong ko.

"namara lang kami ng kakilala na pupunta ng bayan. " sagot ni Tita.

"wala pa rin po ba sila Ate Paneng?" tanong naman ni Cecille.

"nako wala pa nga e. buti nga at nasabi sakin ng kaibigan ni Binong na nandito kayo kaya naman ako na ang sumama kay Tere. Akala ko naman kasi ay may nangyari na kay Erica ko. Ang pagkakasabi ba naman kasi sakin ay sumugod daw kayo sa ospital. Hindi ko naman naintindihan kung sinong sinugod. Pati tuloy si Inang ay nataranta" lumapit ako kay tita at inakbayan sya saka pinisil ang balikat nya. Naiiyak iyak na kasi ito.

"Okay si Erica ta, Okay na okay" may lamang sabi ko. Si Cecille naman ay nakatingin lang sakin na tila ba nagtatanong ang mga mata. Tinanguan ko na lang sya na parang bang nagsasabi na mag-usap na lang kami mamaya. At tumango naman sya na tila ba naintindihan ang nais kong iparating.

Maya maya pa ay dumating na ang Doctor na nagcheck kay Kathy. Pumasok ito ng kwarto kaya sumunod na rin kami.

"Sino dito ang kamag-anak ng pasyente?" naabutan pa naming tanong ng doctor.

"Ako po. Kapatid ko po sya" sagot naman ng ate ni Kathy.

Umagaw sa pansin ko ang kamay ni Erica na nakahawak sa kamay ng natutulog na si Kathy. Kitang kita sa muka ng pinsan ko ang pag-aalala sa muka nya.

Kung ako siguro ang nasa posisyon nya baka naiiyak pa ko. Nakaramdam naman ako ng mahinang pagpisil sa kamay ko at ng tingnan ko ito ay nakita kong kamay pala ni Cecille. Agad akong napatingin sa kuya nya kung nakikita nya kami at nakahinga naman ako ng maluwag nung sa palagay ko ay hindi naman. Nakatingin din kasi ito sa ate ni Kathy at nag-aalala rin.

"Masyado ng mababa ang platelet count ng kapatid mo. Kailangan na syang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Dahil hindi maganda kung babagsak pa ang bilang nito" sabi ng doctor.

"Sige po Doc. Gawin po na po natin agad" sabi ng ate ni Kathy.

"Okay. Magkablood type ba kayo ng kapatid mo? A negative ka rin ba?" tanong ng doctor.

"Hindi po. Ang tatay namin ang kadugo nya." Malungkot na sagot ni Ate Tere.

"Ako po. A negative ako" singit ko. Mukang wala kasing ibang may ganung type ng dugo sa amin.

"Kamag-anak ka ba nila Neng?" tanong ng Doctor sakin.

"Hindi po. Pero willing po akong magdonate" sabi ko.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon