Chapter 14

3.1K 147 24
                                    

Chapter 14


Rae's POV

I went straight to Cecille's house after staying for I don't know how long to that place I discovered when I run away. I think I found a place where I can be what I really Am. Weak.

Nandito lang ako sa harapan nila. Di ko mahanap yung lakas ng loob ko para tawagin sya. Pero sapat na rin na nadito ako sa tapat ng bahay nila kasi kahit papano gumaan pakiramdam ko.

And up until now, I'm arguing with myself. Should I call her so I can have someone to pour my feelings out or should I just let her not to get involve with this?

Hays.

Why is it so hard to decide? Tatawagin ko lang naman sya ah. Tapos bigla kong naalala yung disgusted face nya nung tinanong nya kung babae ako. Yeah, right. That one, that painful memory with her. I don't want any bad memory with her.

"Anong kailangan mo?" I was startled with that voice. Damn. Of all people in their house.

"Hi po" alanganing bati ko sa kuya ni Cecille. Di naman sa gusto ko syang iwasan. Pero parang ganun na nga rin siguro. Ramdam ko kasi yung animosity nya sakin e. I don't really know where's that coming from.

Hindi sya sumagot sakin, sa halip ay tiningnan nya lang ako na para bang inip na inip sa susunod kong sasabihin.

"Nandyan po ba si Cecille?" kinakabahang tanong ko. napapahipit tuloy yung hawak ko sa manibela ng bike ko na para bang dito ako kumukuha ng lakas ng loob.

"Oo pero ayaw ka nyang kausapin" agad akong nakaramdam ng sakit at lungkot sa sinabi ng kuya ni Cecille.

"kita mo yung bintanang yun?" tumingin ako sa bintanang tinuturo ng kuya ni Cecille. Tumalon ang puso ko nung Makita kong nakasilip si Cecille dun. Does that mean na lalabas na sya?

"Kanina ka pa nya sinisilip dun. Pero bakit kaya si ka nya nilalabas?"

Or maybe not.

"p-pwede ko po b-ba syang m-makausap kahit sandali?" Damn. Bakit naman sa dami dami ng oras ngayon pa ko nauutal. At sa harap pa ng kuya ni Cecille? I looked guilty.

"Ano bang sasabihin mo ako na ang magsasabi sa kanya."

Okay. I get it. Wala syang balak na patuluyin ako.

"Di naman po ganun kaimportante. Pakisabi na lang po na dumaan ako" sabi ko na lang. para makaalis na. I feel like choking with his presence.

"Alam mo wala naman akong masamang tinapay sayo e"

"Po?" naguguluhang sagot ko. anong ibig nyang sabihin?

"Magkalinawan nga tayo habang maaga pa. May gusto ka ba sa kapatid ko? Pansin ko iba mga titig mo sa kanya e" napalunok ako.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" I tried acting innocent.

"Tomboy ka ba?" lalong napahigpit yung hawak ko sa manibela ng bisekleta ko.

"wala naman akong tutol sa mga tulad mo e. nirerespeto ko kayo na ganyan ang naging choice nyo. Pero nakiki-usap ako sayo. wag ang kapatid ko" he said as if I could've made the right choice. As if my all existence is wrong from the start. Gusto ko ng maiyak sa sinasabi ng kuya ni Cecille. Nagpunta ako dito para sana gumaan ang pakiramdam ko. I thought I'll find comfort here, but I was wrong. Mas masakit pala ang maririnig ko dito.

"Kung wala ka ng sasabihin, may gagawin pa ako sa loob" tumango na lang ako. Hindi man nyang directang sabihin pero alam kong pinapaalis ng nya ako. Tumango na lang ako, tumingin pa ulit ako sa bintana ni Cecille bago mabigat ang pang umalis sa harapan nila.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon