Chapter 24

3.3K 142 16
                                    

Chapter 24


Cecille's POV


"Nakakalunod naman" nawala ako sa pagkatulala ng marinig ko ang boses na yun. Di ko namalayan na nasa gilid ko na pala sya. Malamang dumaan sya sa tarangka sa likod. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Hindi ko kasi maintindihan. Bahagya syang tumawa at umiling.

"ang lalim kasi ng iniisip mo. Para akong malulunod. Di mo nga ata alam na kanina pa ako nakatayo sa gilid mo saka dun ako sa tarangka sa harapan dumaan. Nagsoli kasi ako ng mangkok" ah yun pala ang ibig nyang sabihin.

"Pwede ba akong maupo sa tabi mo?" pagpapaalam nito. Nakaupo kasi ako sa malaking ugat ng puno ng manga sa bakuran namin. Bahagya akong ngumit at tumango sa kanya.

Hindi ko pa mahanap ang boses ko para magsalita.

"Kamusta ka na Ces? nakakatawa no? ang tagal na nating hindi nag-uusap samantalang ilang hakbang lang naman ang pagitan ng mga bahay natin" tanong ni Kevin habang nakatingin sa akin. Pero inalis nya rin ang tingin sakin at sa mga ulap naman tumitig. Makulimlim ang langit, madlim at malungkot. Parang katulad ng nararamdaman ko ngayon. Malungkot ako at nasasaktan pero hindi ako makaiyak.

"Anong sabi nila sakin? Samin ni Rae" alam kong alam nya ang tinutukoy ko.

"Wala. Anong sasabihin nila?" ang mga kapitbahay namin ang tinutukoy ko. Siguradong usap-usapan na sa buong barangay namin ang nangyari lalo pat nabarangay pa ang kuya ko.

"Wag mo ng pagtakpan. Alam ko naman e. di naman lahat maiintindihan kami" may pait na sabi ko sa kanya. Tili nag-isip pa sya.

"May mga ilan na may sinabi. Pero di naman nila magagawang magsabi sa inyo ng masama e. mabait ang pamilya niyo" napatawa ako ng mahina. Hindi yung tawang masaya, yung tawang hindi makapaniwala sa sinabi nya.

"Ganun ba? Ikaw anong masasabi mo?" tanong ko sa kanya. Tiningan ko sya habang hinihintay ang sagot nya.

Ngumiti sya sakin.

"nagtatako ako at maraming katanungan sa isip ko" makahulugang sagot nya sakin.

"Tulad ng ano?" tanong ko sa kanya.

"Tulad ng kung bakit sa dami dami ng lalake na nagkakagusto sayo, yung mga lalakeng vocal sa pagsasabi na gusto ka nila sa isang kapwa mo babae ka pa nagkagusto" inaasahan ko ng sasabihin nya yun.

"Pero nung nakita ko yung itsura nya nung gabi nay un. Duguan ang muka nya at walang malay, dun ko nasabi sa sarili ko na 'iba sya'" napangiti ako sa sinabi nya. Oo iba si Rae. Ibang iba sya. wala syang katulad.

"Hay sa wakas naman! Ngumiti ka rin" nakangiting sabi ni Kevin habang nakataas pa ang mga dalawang kamay.

"Oo naiiba sya sa lahat at yun ang nagustuhan ko sa kanya" pag-amin ko kay Kevin.

"Hindi ko alam kung nasabi ko na sayo to. Bago umalis si Anton noon papunta sa Canada humiling sya sakin na bantayan ka. Sabi nya babalik sya pagkatapos na pagkatapos nyang mag-aral. Nangako ako sa kanya na babantayan kita. Sabi sakin ng loko wag ko daw hahayaan na may manligaw sayo" umiiling iling pa na sabi nito. Napangiti ako sap ag-alala sa isang kaibigan namin.

"siguradong magagalit sakin yun pag nalaman nya na may nakauna na sa kanya. Pero wag kang mag-alala Cecille akong bahala sa inyo ni Rae" hinawakan nya ang kamay ko.

"Ces, nakikita ko kayo. Nakikita ko na pumupunta sya sa inyo twing gabi. Simula pa nung unang gabi" nagulat ako sa sinabi nya. Kung ganun pala hindi kami naging ganun kaingat ni Rae. Akala namin walang nakaka-alam ng ginagawa namin.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon