Chapter 19

3.5K 118 9
                                    

Chapter 19


Rae's POV


Hindi natapos sa isang beses ang pag-takas ko twing gabi, sa katotohanan nga ay naging gabi gabi ito. Dun na lamang kami nagkikita ni Cecille. Sa gabi, dun kami nagiging Malaya. Pangit mang tingnan pero yun lang ang tanging paraan para magkasama kami. Pag sigurado na akong tulog na ang kuya nya, dun na ako pupunta. Nagpapasalamat na lang ako at maagang matulog ang kuya nya. I can hear Raf saying "who the hell sleeps at 9 pm? What are you? A kid?!" napatawa ako sa isiping yon.

Nagkukwentuhan kami tungkol sa kung ano anong bagay. Basta kung ano yung maisipan namin. At nakakagulat lang na hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. I'm not much of a talker if I'm not with my gang. But when I'm with Cecille? I felt like I had so much to tell her, that I need her to know me more. Nakaka-awa tuloy si Cecille, palagi na lang syang puyat. Alam nyang hinihintay ko syang makatulog, akala nya umaalis ako agad pero ang totoo, madaling araw na rin ako umaalis. Tinititigan ko sya habang natutulog, kinakabisado ang bawat sulok ng maganda nyang muka. Nakabisado ko na rin tuloy ang sleeping habbit nya. Nakakatawa kasi kumukunot pa yung noo nya minsan, siguro sa panaginip nya may hindi sya nagugustuhan.

Gusto ko sanang makasamang mamasyal ulit si Ces, yung pupunta kami ulit dun sa ilog at maliligo. O kaya sa bayan, saka sa kung saan saan pang lugar dito sa Saj Juaquin na hindi ko pa napupuntahan. Kaya lang kailangan kong pagtyagaan yun ganitong sitwasyon naming. Ayoko naman kasing biglain si Cecille kung pupunta na lang ako sa kanila at magsasabi na kami na. Hindi naman namin mahingan ng tulong ang bestfriend ni Cecille dahil hindi pa rin nya alam ang tungkol sa amin. Hindi pa daw handa si Cecille at ginagalang ko naman yun.

Mas madali sana ang lahat kung lalake ako.

Simula nung malaman ko kung ano ang preference ko, kailanman di ko ginustong palitan ang kasarian ko. Para sakin babae pa rin naman ako, iba nga lang ang preference ko. Kaya lang sa mga ganitong pagkakataon, I wish I wasn't born in a wrong body. Pero siguro kung nagging lalake ako? Hindi kami magkakakilala ni Cecille. Ayos na rin.

Twing gabi pag tinititigan ko sya naaalala ko na malapit ng matapos ang bakasyon. Hindi ko maiwasang matakot sa pwedeng kahinatnan ng pagbalik ko sa manila. Nakakatakot at nakakasira ng ulo kung iisipin. Kung dito nga na ang lapit lapit lang naming nahihirapan pa kaming magkita at magka-usap, pano pa kaya kung isang dagat na pagitan namin.

Ayokong mag-isip ng kung ano, pero nakakapanghina talaga. Kaya kahit hindi ako paladasal, talagang sobra ang pagdadasal ko sa Diyos na pagtibayin pa kami ni Cecille.

Mali man ito sa paningin ng lahat, naniniwala ako na naiintindihan kami ng Diyos. Sabi nga diba, "God is Love". So as long as we have love inside our hearts, we have God on our side.

Sinubukan kong pumunta sa kanila ng araw pero wala, hindi kami nagkita. Nasa gate pa lang nila ako ay hinarang na ako ng kuya nya. Finally, he said it in front of my face.

"Ayokong nagpupunta punta ka dito o kaya naman ay nilalapitan mo ang kapatid ko. Naiintindihan mo?"

Hindi ko alam kung bakit galit na galit sya sa mga tulad ko. I can understand that he's raised to what bible teaches pero sobra naman ata yung galit nya. Parang may pinanggagalingan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may masama syang nakaraan kaya ganun na lang ang galit nya. Ah ewan!

Pauwi na ko ngayon galing kila Cecille. Inabot na naman ako ng madaling araw sa pagtambay sa kanila. Ang kulit din kasi ni Cecille eh, ayaw pa matulog. Sigruro nararamdaman nya na rin talaga na papalapit na matapos ang bakasyon. And we both want it not to end.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon