Chapter 3

4.5K 156 21
                                    

Chapter 3


Rae's POV


"Daniela! Daniela!" I looked around finding who's calling me. O kung ako nga ba ang tinatawag nila. Marami namang Daniela sa mundo eh. I was holding to my back pack strap while waiting for Mom's secretary, nagrereport na ata ito kay mom kasi may kausap sa phone e. kakababa lang namin ng ferry.

"Daniela Rae!" dun na nakuha yung attention ko. Napaatras ako nung makita kong may tumatakbong dalawang babae papunta sa gawi ko. Isang payat na kasing height ko ata tapos isang matabang babae.

Halos matumba ako nung yakapin ako nung matabang babae.

"Nako! Daniela ang laki laki mo na! Muntik na kitang hindi nakilala!" sabi sakin nito habang iniikot ikot pa ko at halos lamutakin na ang muka ko sa kakapisil.

"Nay! Nay! Teka lang po baka madurog naman si Daniela" singit nung isang babae na kaidaran ko lang ata.

"Ay oo pasensya ka na. Nadala lang ako. Ngayon ka lang kasi nadalaw dito sa amin" ako naman nakakunot noo lang na nakatingin sa kanila. Takang taka sa kung anong nagyayari sa paligid ko. Tumingin ako sa secretary ni Mom para humingi ng tulong. She signaled me to wait.

"nay di ata tayo kilala" pabulong na sabi nung isa na narinig ko naman.

"Sa tingin mo nak?" rinig kong pabulong na sagot din hung yumakap sakin.

"eherm" ingaw ko na yung atensyon nila kasi rinig ko rin naman yung pag-uusap nila.

"Ah eh, nakikilala mo ba ako?" umiling ako sa kanya.

"Sabi ko sayo nay eh" sabi pa nung isa. Sakto naman natapos na ata yung secretary ni mom na makipag-usap.

"Oh nandito na pala sila. Good afternoon po. Ako po ang Secretary ni Mrs. Altamirano" sabi nito sabay nilahad yung kamay. Tinanggap naman nung babae yung kamay ng secretary ni Mom.

"Ako naman si Elsa" ah, yun pala ang pangalan nya.

"So Young Miss, She's your Auntie Elsa and her daughter?" tumingin ito sa isa pang babae na parang nagtatanong kung sino sya.

"Erica po"

"And your cousin Erica. Since they're already here, I'll take my leave. I have to catch my flight"

"Wait! There's a plane going here?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Yes" maikling sagot nya sakin.

"Meron pero hinayaan mo kong magbyahe ng ganun katagal?!" iritableng sabi ko sakanya. Siguro kung nagplane kami baka one hour lang ang binyahe namin o baka nga less pa e.

"That's your mom's order. Sige po mauuna na ko" paalam nito tapos umalis na. Pinanuod ko lang itong sumakay ng isang private car.

"Kainis!" napasipa na lang ako sa isang cargo box na nasa tabi ko.

"Hoy!" rinig kong sigaw ng isang mama.

"Pasensya na po! Tara na insan!" tapos hinila na ako ni Erica para di na kami maabutan nung mamang sa tingin ko ay may ari nung sinipa kong cargo.

Nang makarating kami sa isang pulang owner type jeep hinihingal na yung dalawang kasama ko.

"Grabe ka naman insan, bakit mo naman sinipa yun" hiningal na sabi nito

"pasensya na kayo ha, di ko lang napigilan. Nakakainis kasi eh, siguradong si mommy naka-isip na wag na kaming magplane."

Papauwiin na lang ako, papahirapan pa ko.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon