Chapter 15
Erica's POV
"Insan sige naman na. kumain ka na"
"Ayoko. Wala akong gana"
"pano ka makakainom ng gamot nyang kung di ka kakain?"
"kakain ako pag nagutom na ko" sagot nya sakin.
Kanina pa kami nagpipilitang kumain dito ng pinsan kong si Rae. Nilalagnat sya kaya hindi sya nakasamang magsimba samin kanina. Tulog pa sya nung umalis kami. Nagpapaiwan na nga sana ako kanina pero ang sabi naman nya ayaw nyang maka-abala samin. Wala na ring nagawa sila Inang at nanay nung sinabi nya yun kaya naman madalign madali kaming makauwi kanina para naman matingnan na naming kung ano na ang nangyari sa kanya.
Binaba ko ang dala kong mainit na sabaw ng sinigang nab angus tapos nilagyan ko ng ilang kutsarang kanin para naman magkalaman na ang tyan nya kahit papano.
Nadatnan ko syang balot na balot pa rin ng kumot at nanginginig pa. buti na lang bumaba na ang lagnat nya nung pinunasan sya ni Nanay ng bimpo na binasa sa maligamgam na tubig. Alalang alala pa naman si Inang. Kahapon pa kasi naming napapansin na matamlay sya, hindi naman akalain na tutuloy na yun sa lagnat.
At eto nga kahit anong pilit ko sa kanyang kumain ayaw pa rin nya. Pano naman sya gagaling nito.
Teka parang alam ko na kung pano sya mapapakain.
"Sige ka Insan pag di ka pa kumain tapos uminom ng gamut di ka gagaling at mag-aalala sayo si Ces. Sigurado miss ka na nun kasi ilang araw ka ng di pumupunta sa kanila"
"Di yun. Wala namang paki-alam sakin yun e. bakit naman sya mag-aalala sakin?" nagulat ako sa sagot ni Insan. Meron ba akong hindi alam? Nagkaroon ba sila ng tampuhan? Yun kaya yung dahilan kung bakit hindi sya nagpupunta dun?
"Insan –" di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bumukas yung pintuan ng kwarto ni Rae. Si Nanay pala, sumilip sya at nagtanong kung ayaw pa rin ni Rae kumain pero pabulong lang.
"Ayaw pa rin" walang boses na sagot ko habang umiiling.
Napailing na lang rin si nanay tapos kinawayan nya ako. Siguro gusto na lang rin muna nya akong palabasin. Tiningnan ko pa muna ulit si Rae na nakatalikod sa gawi ko et nakaharap naman sa bintana.
"Sige insan labas muna ko. iiwan ko na lang dito yung pagkain ha. Tumawag ka lang kung may kailangan ka" wala akong natanggap na sagot galing sa kanya kaya lumabas na lang ako.
Hay pano ba to.
"Ayaw talagang kumain?" tanong pa ulit sakin ni Nanay paglabas ko ng kwarto.
"Ayaw pa rin, nay. Kahit anong pilit ko ayaw talaga e. pati nga si Ces ginamit ko na pero wala pa rin e"
"Nako pano kaya sya gagaling nyan. Nag-aalala na talaga si Inang." Nagpunta kami ni Nanay sa kusina, tutulungan ko na syang maghanda ng lulutuin nya para sa tanghalian. Hinugasan ko na yung mga gulay tapos si Nanay naman ay naghiwa na ng mga sibuyas at bawang.
"Nay! Nay! May tao po" tumatakbong sabi ni Itoy.
"Sino?" tanong naman ni Nanay.
"Si ate Cecille po nandyan" sagot ni Itoy.
"O si Cecille pala, bakti di mo pinapasok?"
"Puntahan ko lang Nay" paalam k okay Nanay. Nialagay ko na sa mesa yung mga gulay na nahugasan ko.
BINABASA MO ANG
Meeting Cecille
FanficThis is a story of a rich teenager who was thrown by her mother in the province to fix and change her messed up. Will she find something that will change her life or will she just face more complications? Starring Alyssa Valdez as Daniela Rae Altami...