Chapter 5

4.3K 152 26
                                    


Chapter 5


Rae's



"grabe insan ang ganda nya talaga" I dreamily said to Erica habang nakatingin sa langit na puno ng bituin na para bang nakikita ko ang muka ni Cecille duon.

"Grabe rin insan. Pang ilang beses mo na ba sinabi yan?" sabi nya sakin. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. nakaupo kami at magkaharap sa pasimano ng malaking bintana.

"Eh totoo naman diba? Sobrang ganda nya. Hindi ata ako makakatulog mamaya" sabi ko pa sa kanya. Bumaba ako at nagpalakad lakad. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. hindi nauubos ang energy ko. parang ganito yung pakiramdam ko nung mag-enroll ako sa engineering department. So delighted.

"tsk. Tinamaan ka insan. Bakit wala bang magagandang babae sa maynila ha?" dun ako huminto sa paglalakad at tumingin sa kanya saka ako bumalik sa pwesto ko sa bintana.

"Marami insan. Sa tingin ko nga marami pang mas maganda kay Cecille don" sagot ko.

"Yun naman pala e."

"Kaya lang iba si Cecille. Iba yung ganda nya. Yung alam mong pure. Yung alam mong walang katulad. Saka yung mahu-hook ka sa kanya."

"Para ka namang naengkanto nyang insan" natatawang sabi ni Erica sakin.

"Kung kasing ganda naman nya ang engkantong bibihag sakin, bakit hindi?" seryosong sagot ko sakanya.

"Ewan ko sayo"

"Kayong magpinsan dyan tama na ang kwentuhan nyo at gabi na" sabi ni Tita Elsa na nakasilip sa pintuan.

"Nay mamaya na. wala namang pasok e" sabi ni Erica

"Ay nako hindi. Maaga pa kayong gigising bukas" pumasok si tita at sinara ang bintana.

"Nanay talaga. Minsan lang naman magkwentuhan e"

"Marami kayong araw para magkwentuhan dahil magtatagal pa dito si Rae. Alas otso na mahigit hindi nyo pa sinasara ang bintana. Nakapasok na tuloy ang lamok. Hala maghilamos na ron at ng makatulog na"

"KJ" rinig kong bulong ni Erica kaya natawa ako.

"Narinig kita. Sige na" sabi ni Tita kaya wala na ring nagawa si Erica kung hinid sumunod.

"Good night insan"

"Sige insan. Good night" tumatangong sabi ko sa kanya.

"nasabik ata ang anak ko kasi ngayon lang talaga may nagbakasyon ditong tiga manila"

"Pasensya na Ta. Napupuyat ko pa si Erica"

"Ay nako wala yun. Ayoko lang rin kasi masanay syang mapuyat dahil baka pag pasukan na mahirapan naman syang gumising" tumango na lang ako. Ganito talaga dito sa province. Parang ang daling dumilim dito saka pag dumilim talagang madilim. As in so dark.

"Nga pala, tumawag ang mommy mo kanina" bigla akong napasimangot sa sinabi ni Tita. Malamang chinicheck lang nya kung may nagawa na akong trouble.

"Ano pong sabi? Tinatanong po ba kung may nagawa na kong gulo?"

"Hindi naman sa ganun. Kinakamusta ka lang kung okay ka dito" napa-smirked ako. Si mom tatanungin kung okay ako? Parang napaka-imposible naman dun. I guess tita is just trying to make the situation somewhat good.

"Pakisabi na lang po mas okay ako kasi wala sya dito para sermunan ako"

"Rae 'nak"

"Tita I'm sorry pero gusto ko na pong magpahinga" pag-iwas ko. she looked at me defeated.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon