Chapter 6

4.1K 135 25
                                    

Chapter 6


Rae's POV


"Sigurado ka bang kaya mong magdrive?" tanong sakin ni Tita bago iabot yung susi ng jeep nya.

"Yes po. May sarili po akong sasakyan sa manila, saka may student license ako kaya lang di ko po nadala e" pangungumbinsi ko pa kay tita. Di ko na lang syempre sinabi na kaya di ko dala yung license kasi na-confiscate ni mom dahil sumali ako sa drag racing.

"Sige, nagtitiwala ako sa inyo ni Erica ha. Basta wag lang kayo pupunta sa high way dahil may nanghuhuli na don" sabi ni tita tapos inabot nya na sakin yung susi.

"Thanks tita. Promise iingatan ko tong jeep nyo" tuwang tuwang sabi ko.

"Okay lang kahit anong mangyari sa jeep. Wag lang sa inyong dalawa." aw ang bait talaga ni Tita at sobrang caring pa.

"Sige na nay. Baka hinihintay na kami nila Cess" paaalam ni Erica.

"Sige ta. Una na kami" sabi ko tapos lumabas na kami ni Erica at nagpunta sa gilid ng bahay kung saan nakaparada yung jeep.

Pagsakay ko hinagod ko muna ng tingin ang buong jeep. Hinawakan ko ng madiin yung steering wheel bago ko pinasok yung susi sa ignition at saka ito pinaandar. Humawak na ako sa gear pero dahil sa luma na ang sasakyan medyo matigas na ito kaya naman nabigla ako ng pagkontrol dito at nagbounce yung sasakyan. Buti na lang nakontrol ko agad.

Napatingin ako sa pinsan ko at nanlalaki ang mata nya habang nakakapit sa upuan nya at sa pinto ng jeep.

"langya insan ayaw ko pa mamatay! Kala ko ba marunong ka magdrive?"

"Marunong naman, matigas na kasi tong gear. Pero eto na talaga" sabi ko sa kanya. hinawakan nya yung kamay ko at pinigilan ako sa pag-control ng gear.

"Magtricycle na lang kaya tayo?" nag-aalalang sabi pa nya.

"Ano ka ba insan? Wala ka bang tiwala sakin?" tanong ko sa kanya.

"Kanina sana meron e. kaya lang pagkatapos nung nangyari kanina parang nawala" napailing na lang ako sa sinabi nya at tinawanan sya.

Napaandar ko na ng maayos yung jeep at maayos din naman kaming nakarating sa bahay nila Cecille sa kabilang kanto.

"O kita mo insan nandito na tayo kila Ces, safe naman diba?" sabi ko sakanya saka ako bumusina para marinig nila Cecille na nandito na kami. Bumaba na rin ako para abangan sila.

Medyo napaatras lang ako nung hindi si Cecille yung lumabas kung hindi yung tatay nya.

"Sinong hanap mo neng?" tanong nito sakin.

"Ah eh nandyan po ba si Cecille?"

"Nandito. Ikaw ba yung pinsan ni Erica? Sabi nya dadaanan nyo nga raw sila ni Elisa" nakangiting tanong nito sakin. Mabait naman pala tong tatay ni Cecille.

"Opo" nahihiyang sagot ko.

"Tay sino yan?" narinig kong sabi ng isang boses tapos lumabas ang isang lalake na nakilala kong kuya ni Cecille.

Lumingon ako sa likod para humingi ng tulong kay Erica. Buti naman nagets nya kaya lumapit sya.

"Magandang hapon po K'yang Emman kuya Arvin" bati ni Erica, napangiti na lang ako ng alanganin kasi hindi ko muna nabati yung tatay ni Cecille ng magandang hapon bago ako nagtanong. Nakakahiya.

"O nandyan yung owner nyo? Ihahatid ba kayo ni Ate Elsa?" tanong nung kuya niya. Parang ang seryoso naman nito. Nakakatakot.

"Ah eh, may gagawin pa si nanay" sagot lang ni Erica.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon