Chapter 23

3.1K 139 24
                                    

Yow guys! this chapter is written on a third person's POV. wag sana kayo malito sa palipat lipat na eksena. brace yourselves coz this will be a roller coaster ride!

Enjoy!

Chapter 23


That night...

"Hindi nyo po ako kailangang kaladkarin" sabi ng binatang si Alvin na nagpumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng dalawang tanod sa magkabilang braso. Umupo sya sa kaliwang upuan sa tapat ng lamesa ng kanilang kapitan. Si Manuel naman ay umupo sa kanan.

"Ano bang atin? Nagulat ako ng sumugod ang mga tanod ko sa bahay. Aba'y gabi na. nagkakagulo raw sa bahay nyo. Nasan ba ang tatay mo?" tanong ng kapitan sa binata. Hindi ito sumagot. Kaya sa halip ay si Manuel ang sumagot sa kapitan nila.

"Dinala sa ospital ang dalaga ni Pareng Emman. Mukang inatake na naman ata ng sakit nya" hindi naman kasi kaila sa mga tiga barangay ang pagiging sakitin ni Cecille.

"At dahil po iyon sa pamangkin nyo" matalim na tumingin si Alvin kay Manuel.

"Teka lang. wala akong maintindihan. Pwede bang ipaliwanag nyo sakin ang nangyari para ng sa ganun ay magawan natin ng paraan na maayos. Hindi naman na tayo iba iba rito diba?" sabi ng matandang kapitan.

"Eh ito ho kasing anak ni Emman, binugbog ang pamangkin kong babae. Buti nga ho kap at naabutan namin ni Erica ko. Kung hindi baka napatay na nito ang pamangkin ko. Sinugod nga ho sa ospital at duguan na ng maabutan namin" bumaling naman ang tingin ng kapitan sa binate.

"Totoo ba iyon iho?" hindi ulit sumagot ang binata. Tumingin ito sa paligid, sa lahat ng mga taong nasa loob ng barangay hall.

Tila nakuha naman ng kapitan ang ibig sabihin ng binate kaya naman tinanguan nya ang mga tanod nya at sinenyasan na lumabas muna. Sumunod naman ang mga ito at sinara ang pintuan nang nagsilabasan.

"Wala na ang mga tao iho. Baka pwede ka ng magsalita" tumahimik ang kapitan. Parehong nag-aabang ang dalawang may edad sa sasabihin ng binata.

"nakita ko silang naghahalikan sa kwarto namin" napatda naman ang kapitan sa kanyang narinig. Wala sa hinagap nya na iyon ang sasabihin ng binata. At hinding hindi nya naisip na ang dalagang si Cecille ay sa dalaga rin pala mauuwi lalo't alam nya na maraming nagpapahaging dito. Si Manuel naman ay hindi na nagulat dahli alam nya na ang katauhan ng kanyang pamangkin. Ang kinagulat nya ay ang pagkakahuli ni Alvin sa mga ito dahil hindi naman nagpa-alam sa kanila ang pamangkin na aalis ito at pupunta sa bahay nila Cecille.

Muakng kailangan nya ring kausapin ang kanyang pamangkin.

Tumikhim muna ang kapitan bago nagsalita ulit.

"bakit mo naman binugbog ang pamangkin ni Manuel?" tanong na lang ng kapitan na hindi na inusisa ang relasyon ng dalawang babae.

"pinilit nya ako. Sinabihan ko na syang umalis, pero ayaw nya. Pinilit nya akong saktan sya, ang sabi nya payag daw syang magpabugbog kung ibibigay ko sa kanya ang kapatid ko. Hindi ako nagpadala sa kanya kaya lang may mga sinabi sya na hindi ko nagustuhan kaya nagdilim na ang paningin ko at hindi ko na nakontrol ang sarili ko." Paliwanag nito. Nagkatinginan naman ang kapitan ang tatay ni Erica.

Kilala naman nila na mabait ang binata kaya nagulat din sila sa nangyari.

"kung ano man ang nasabi ng pamangkin ni Manuel, hindi pa rin sapat iyon para bugbugin mo sya na kinailangan pa nyang dalhin sa opital. Paano na lamang kung napatay mo ng tuluyan yung bata? Makukulong ka na dahil hindi ka na minor de edad. Sana'y pinilit mo na lang syang ilabas kahit ayaw nya. Kung ano man ang kasarian nya, babae pa rin iyon. Alam kong mabait na bata ka. Kawawa naman ang tatay mo kung makukulong ka. Wala na syang makakatulong. At sigurado akong na-stress na rin ang kapatid mo kaya nagkaganun" nanatiling nakayuko lang si Alvin. Alam nyang mali ang ginawa nya. Pinagsisisihan nya iyon pero hindi pa rin nito nababago ang pananaw nya.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon