Alexis POV
Pag pasok ko sa room namin sobrang ingay para silang mga bata na nag kukulitan, samantalang 4th year high school na kami kaya dapat na kilos sila ayon sa edad nila.
"Alexis nakasimangot ka nanaman dyan" puna sakin ni Eric
"Lagi naman eh, sayang ganda mo" pag sang ayon sa kanya ni Renz
"Wala akong barya Renz kaya wag ka mang bola" inirapan ko sila at umupo na sa upuan ko
"Alexisssss!" Napatakip ako sa tenga ng marinig ko yung boses nya
"Ayan nanaman sya ang tining lagi ng boses akala mo nasa malayo ako"-sa isip ko
"Ano nanaman ba yun Riza?" Tanong ko pag lapit nya sakin
"Peram makeup" pinag masdan ko yung muka nya, sobrang kapal na ng makeup nya tapos ng hihiram pa sya
"Muka ka ng clown nang hihiram ka pa ng makeup?"-Brix
"Pakelam mo ba Brix? Gusto mo lagyan kita?" Nakangisi nyang sabi
"No! Di ako bakla nuh" inis na sabi ni Brix
"Whatever Brix" tumingin na ulit sya sakin "peram na, baka dumating na yung class president natin kailangan maganda ako sa harap nya" napailing nalang ako at inabot ang makeup sa kanya
Maya maya pa tumahimik na ang classroom namin, hudyat na dumating na sya... ang class president namin na si Marco. Lahat takot sa kanya dahil oras na suwayin namin ang utos nya siguradong mag gu-goodbye school kami.
"Lahat ba nandito na?" Tanong ni Marco
"Wala pa si Ria" sabi ko
"Late nanaman sya"-Marco
"May bago ba?" Tanong ni Brix
"I'm here na, late ba sorry na" sabi ni Ria pag pasok nya ng room, agad syang umupo sa tabi ko.
Bale sya,ako at si Riza ang mag kakatabi tapos sa likod namin si Brix, Renz, Eric at si Marco sa likuran nakaupo dahil kailangan nyang mabantayan ang bawat galaw namin.
"Ria, isang beses nalang na malate ka pa sa guidance kana mag ka-klase"-Marco
"Ok president" nakangiti nyang sagot
++++
Break time na, sabay sabay kaming pumunta ng canteen nila Ria at Riza
"Hoy babae sabay kami" umakbay sakin si Brix, agad ko naman tinaggal yun at inambahan ko sya ng suntok "oh easy lang" nakangiti nyang sabi
BINABASA MO ANG
Higanti Ng Isang Api
Horror|| Book 1 Completed || Palagi nila akong nilalait, binubully, sinasabihan ng masasakit na salita. Hindi ba nila alam na nasasaktan din ako?! Porket hindi ako nalaban sa kanila?! Porket hinahayaan ko lang silang gawin yun?! Masakit ang laging pag taw...