Ria POV
Nandito kami ng tropa sa burol ni Eric. Bukas na yung huling lamay nya, at maaaring bukas na din namin makita si Sebastian. Inaamin ko natatakot ako, sobrang takot na takot ako sa ng yayari ngayon. Pero siguro nga, may kasalanan din kami dun. May kasalanan ako, may kasalanan si Eric at sila... nadamay lang sila. Bully ako eh, hindi ko alam yung katuwaan ko lang nung bata ako ikakapahamak pala namin ngayon. At kahit mag sisi pa ako sa nagawa ko nuon, huli na ang lahat. May nasira na akong buhay.
"Ria, kape" inabot sakin ni Renz yung kape...
"Anong oras na?" Tanong ko
"11pm, gusto mo na ba mag pahinga?" Umupo sya sa tabi ko
"Ayoko, dito lang ako" uminom ako ng kape
"Ria... alam kong natatakot ka, ako din natatakot din ako dahil... na aalala ko na kung sino si Sebastian" napatingin ako sa kanya
"Kilala mo din sya?" Tanong ko
"Ria nung elementary tayo nasa iisang school lang tayo. Hindi nyo ko classmate, pero... i-isa din ako sa ng bully sa kanya" halata sa muka nya ang sobrang takot "ako yung kinakatakutan nya sa school nun, at nung huling beses ko sya nakita sa school... ikinulong ko pa sya sa c.r" humarap sya sakin "Ria baka ako na yung isunod nya" nanginginig sya
"Wag ka mag salita ng ganyan" niyakap ko sya "nandito kami ok? Mag tutulungan tayo para mapigilan natin yung balak ni Sebastian"
"Kasalanan ko 'to eh, sana di ko na sya kinulong sa c.r nun... pati tuloy yung mga walang kasalanan nadadamay"
"Huminahon ka Renz" tinapik tapik ko yung likod nya.
"Ok na yung cctv sa kwarto ni Eric" umalis na ko sa pag kakayakap kay Renz nung dumating na sila Marco
"G-ganun ba? So ano ng gagawin natin ngayon?" Tanong ni Renz
"May problema ba?" Tanong ni Alexis
"Wala..." sagot ni Renz
"Tara dun tayo sa garden nila para di tayo makaistorbo dito" sabi ni Marco.
Bago kami pumunta sa garden nila Eric, nag paalam muna kami sa mommy at daddy nya. Lahat ng ginagawa namin alam nila, pero di nila alam yung dahilan.
BINABASA MO ANG
Higanti Ng Isang Api
Horror|| Book 1 Completed || Palagi nila akong nilalait, binubully, sinasabihan ng masasakit na salita. Hindi ba nila alam na nasasaktan din ako?! Porket hindi ako nalaban sa kanila?! Porket hinahayaan ko lang silang gawin yun?! Masakit ang laging pag taw...