Kinabukasan pag pasok ko sa room tahimik ang mga classmate ko. Kung ganto ba naman araw araw edi sana di na nainit ulo ko.
"Alexis" napatingin ako salikuran ko ng may tumawag sakin... si Marco pala, kaya pala tahimik sila kasi nauna sya pumasok sakin.
"Bakit?" Tanong ko
"Gusto kita makausap, pwde ba?"
"Oo naman, tungkol saan?"
"Sa labas ko nalang sasabihin" tumingin muna sya sa mga classmate namin bago sya lumabas.
Sinundan ko sya..
"Oh pres ano ba pag uusapan natin?" Tiningnan nya ako ng seryoso
"Alexis... gusto ko lang sana sabihin sayo na... gus---"
"Alexissss!" Hindi na nya natapos yung sasabihin nya ng dumating si Riza "ay sorry may pinag uusapan ba kayo?" Tanong nya pag lapit samin
"Meron/Wala"-ako at si Marco
"Saka ko nalang sasabihin, pumasok na tayo dadating na si sir" pumasok na sya sa ulit sa room
"Meron o wala?" Tanong ni Riza
"Same? Hindi ko alam kasi nag uumpisa palang kami mag usap ng dumating ka"
"Ah ok, tara pasok na tayo" kaya pumasok na kami sa room.
Dumating na din sila Ria, Riza, Brix, Eric at Renz. At dumating na din si sir.
"Good morning class" bati ni sir
"Good morning sir" bati namin
"Ok bago tayo mag umpisa gusto ko lang ipakilala sa inyo ang bago nyong classmate" nag bulungan yung mga classmate namin
"Tatlong bwan nalang ha may nag transfer pa" sabi ni Eric
"Kaya nga eh" pag sang ayon ni Ria
"Pasok kana iho" sabi ni sir, kaya pumasok na yung bago naming classmate "mag pakilala ka muna sa kanila"
"Hi ako si Patrick, 17 years old nakatira ako sa---"
"Tama na yan walang nag tatanong kung saan ka nakatira" putol ni Jason sa sinasabi nya kaya napayuko nalang sya
"Jason!" saway sa kanya ni sir
"Sorry sir"-Jason
"Sige na Patrick umupo kana dun sa tabi ni Brix" nag lakad na nga sya at umupo sa tabi ni Brix
BINABASA MO ANG
Higanti Ng Isang Api
Horror|| Book 1 Completed || Palagi nila akong nilalait, binubully, sinasabihan ng masasakit na salita. Hindi ba nila alam na nasasaktan din ako?! Porket hindi ako nalaban sa kanila?! Porket hinahayaan ko lang silang gawin yun?! Masakit ang laging pag taw...