Dream

3.6K 107 6
                                    

Dahil sa ng yari kanina sinuspende ang klase namin, madami kasi ang natakot sa ng yari lalo na yung nakakita talaga.

Nandito kami ngayon sa mall, nag papalamig kami para kahit papaano daw makalimutan ko yung ng yari. Pero kahit anong gawin ko hindi ko talaga makalimutan yung nakita ko, nakakadiri... nakakatakot.

"Baka may problema yung tao kaya nag pakamatay"-Eric

"Sa loob pa talaga ng school? At sa harap ng maraming tao pa sya mag papakamatay?"-Renz

"Pero diba sabi ni Marco, umangat yung lalaki... kaya baka may maling ng yari, baka di sya mag papakamatay dapat"-Brix

"Guys, yung lalaki di nyo ba natatandaan? Sya yung lalaki na sinuntok mo Brix" sabi ni Patrick

"A-ano? Sya yun? Ba-baka tayo na naman pag bintangan sa ng yari"-Brix

"Bakit tayo pag bibintangan? Eh maraming nakakita satin na nasa loob tayo ng room... pwera nalang kay Marco at Alexis"-Ria

"Wala kaming kinalaman dun, marami din nakakita samin na nandun lang kami sa baba"-Marco

"Pero maiba ako, wala bang kasama yung lalaki sa taas? As in sya lang mag isa?... kung sya lang mag isa dun, paano sya umangat tulad ng sinabi nyo?"-Riza

"May kasama sya" lahat sila napatingin sakin

"May kasama? Pero wala naman akong nakitang kasama nya ha"-Marco

"May kasama sya Marco! Hindi mo ba nakita? Sya yung nag angat sa lalaki"

"H-ha? Pero wala talaga akong nakita. Miski nga yung mga tinanung dun diba? Sinabi nila na walang kasama yung lalaki sa taas"-Marco

"Marco maniwala ka, guys maniwala kayo sakin... kitang kita ko may kasama yung lalaki"

"Kung ganun sino?"-Renz

"Yu-yung.... yung taong wala muka, kitang kita ko sya. Nasa likod sya nung lalaki, sya yung nag angat dun sa lalaki at sya din yung tumulak dito"

Higanti Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon