Kinabukasan sa school...
"Alexis!" tawag sakin ni Brix, kaya naman nag binilisan ko yung lakad ko. Naiilang kasi ako sa kanya eh, lalo na kay Marco. Hindi naman sa ayoko sa kanila, kaso barkada ko sila eh kaya ayokong mag away silang dalawa ng dahil sakin. "Alexis teka nga" hinawakan ni Brix yung braso ko nung naabutan na nya ko kaya napahinto ako sa pag lalakad
"U-uy ikaw pala, hi" inosente kong sabi
"Iniiwasan mo ba ko?"
"Hindi ah bakit naman kita iiwasan" inalis ko yung kamay nya sa braso ko
"Iniiwasan mo ko ramdam ko, siguro naiilang ka dahil sa nalaman mo kagabi"
"Hi-hindi ah, wag ka ngang ano dyan"
"Kilala kita Alexis, nauutal ka kapag kinakabahan ka o kaya naman nag sisinungaling ka. So ano sa dalawa yung dahilan kung bakit ka nauutal?"-Brix
"Naiilang kasi ako sa inyo ni Marco, mag kakaibigan tayo. Kaya naman nabigla ako sa nalaman ko, baka kasi mag away pa kayo ng dahil sakin"
"Uy grabe ka away agad?... di mo naman kailangan mailang samin ok? Nag usap na kami kagabi sabi namin, by the best man win, matira pogi. Kaya hindi kami mag aaway ng dahil lang dun"
"Pero... kasi naman eh"
"Hayaan mo lang kami sa gusto naming gawin ok? Tyaka sorry na din kung nabigla ka sa nalaman mo. Matagal ko na kasing napapansin na may gusto sayo si Marco. Kaya nung nakita ko kayong mag kayakap, hindi ko na pinalampas yung pag kakataong umamin sayo"
"Ah... owkey"
"Alexis, Brix! Tara na" tawag samin ni Renz
"Bakit anong meron?" Tanong ko
"Tawag lahat ng 4th year sa cover court. Bilisan nyo"☺"" sagot nya, pag tapos nauna na sya saming mag lakad
"Tara" sabi ni Brix, pag katapos sumunod na sya kay Renz
"Di man lang ako pinauna mag lakad" mahina kong sabi
BINABASA MO ANG
Higanti Ng Isang Api
Horreur|| Book 1 Completed || Palagi nila akong nilalait, binubully, sinasabihan ng masasakit na salita. Hindi ba nila alam na nasasaktan din ako?! Porket hindi ako nalaban sa kanila?! Porket hinahayaan ko lang silang gawin yun?! Masakit ang laging pag taw...