Ria POV
Nandito kami ngayon ni Riza at Alexis sa kwarto. Dito kami pinapunta ni Sebastian, nasa second floor 'to, yung mga boys naman nasa 1st floor lang. Pinag hiwalay talaga nya kami ng barkada. Kahit na natatakot kami ng girls dito sa second floor wala kaming magagawa, kailangan namin sundin si Sebastian kundi hindi tatagal ang buhay namin dito. Buti nalang may binigay samin si Patrick, yung remote na ginamit namin dun sa bahay nila Eric. Pindutin lang daw namin agad 'to pag may kakaiba na kaming nararamdaman para makaayat daw sila agad dito.
"What now?... dito na ba tayo mamatay?" Tanong ni Riza
"Riza pwde ba! Wag ka mag isip ng ganyan" irita kong sabi sa kanya. Hindi dapat sya nag iisip ng kung ano ano sa gantong sitwasyon namin ngayon.
"Girls huminahon lang tayo ok?... mag pahinga muna tayo ngayon" sabi ni Alexis
"Paano kami mag papahinga? Miski matulog nga di ko kayang gawin eh, feeling ko pag pinikit ko mata ko hindi na ko magigisig bukas" reklamo ni Riza
"Puro ka naman reklamo Riza eh" sabi ko
"Bakit ikaw makakatulog ka ba ha?" tanong nya sakin
Kaya ko nga ba makatulog kahit saglit lang?
"Hindi ko alam" sabi ko
"Oh diba"-Riza
"Sige ganto nalang, matulog na kayo ako nalang mag babantay sa inyo" napatingin kami kay Alexis
"Hindi ka matutulog?" Tanong ni Riza
"Hindi, babantayan ko nalang kayo" sagot nya. Kahit kailan talaga ang bait nitong babae na 'to
"Salamat ha" nakangiti kong sabi
"Wala yun" ngumiti din sya
"Sige, ito ikaw humawak nitong remote" inabot sa kanya ni Riza yung remote "wag ka mag alala kahit 2 oras na tulog lang pwde na sakin"
"Sige na, matulog na kayo"-Alexis
"Sige" sabi ni Riza at humiga na sya, sa laki nitong kwarto may kanya kanya kaming kama, nasa gitna namin si Alexis.
"Goodnight" sabi ko sa kanya
"Goodnight" sabi nya at humiga na ko
+++
Alexis POV
Oo pagod din ako, pero gusto nila mag pahinga eh kaya ako nalang mag babantay sa kanila.
*bzzt!*
Kinuha ko yung cellphone ko nung may mag text.
I don't no kung matapang ka lang ba talaga o malakas lang loob mo. Pero natutuwa ako sayo, yung mga katulad mo ang masarap kalaro -09091234567
BINABASA MO ANG
Higanti Ng Isang Api
Horror|| Book 1 Completed || Palagi nila akong nilalait, binubully, sinasabihan ng masasakit na salita. Hindi ba nila alam na nasasaktan din ako?! Porket hindi ako nalaban sa kanila?! Porket hinahayaan ko lang silang gawin yun?! Masakit ang laging pag taw...