Find Ria And Alexis

4.4K 121 0
                                    

Brix POV

"Nasaan naba sila? Nagugutom na ko" reklamo ni Riza

"Pwde ba Riza, lahat tayo nagugutom na hindi lang ikaw!" Inis na sabi ni Eric

"Guys wag na kayo mag away... hanapin nalang natin sila" awat sa kanila ni Patrick

"Tama si Patrick guys, kung mag aaway kayo dyan mabuti pa iwanan nalang namin kayo... kami nalang ni Patrick mag hahanap" sabi ko

"Wala naman ganyanan.. sama sama tayo dito nuh, walang iwanan"-Eric

"Oo nga, sorry na di na ako mag rereklamo"-Riza

"Mabuti naman, hanapin na natin sila" sabi ko

+++

"RIA!" Sigaw ni Eric

"MARCO!"-Riza

"ALEXIS!"-sigaw ko

"GUYS NASAAN NA KAYO?!"-Patrick

Habang nag lalakad kami... nakita namin na may umiilaw mula sa taas ng hagdan, mukang pababa ito.

"Guys, mukang si Marco yun... sya lang naman may dalang flashlight eh" sabi ni Patrick

"Ano pang hinihintay natin? Tara na puntahan na natin sya" sabi ni Eric...

Agad kaming tumakbo papunta sa may hagdan.

"Marco!" Tuwang tuwa na sabi ni Riza... pero iba yung nakita namin, hindi sya si Marco kundi si...

"Manong pulis" sabi ko, sya yung nag tatanong samin kanina.

"Ano pang ginagawa nyo dito?" Tinutok nya samin isa isa yung dala nyang flashlight

"Nawawala po kasi yung iba naming kasama"-Patrick

"Bigla po kasing nawalan ng ilaw, tapos may nakita pa kaming mumu kaya nag takbuhan kami"-Riza

"Mumu?" Tanong ng pulis

"Opo aswang po, wala po syang muka" sabi ko.. pero tumawa lang sya

"Hahaha! kayong mga bata kayo, hindi totoo ang aswang ok?" Sabi nito

Higanti Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon