Ghost Hunting??!

3.1K 104 6
                                    

Brix POV

"Kinakabahan ka nuh" sabi ni Renz na parang ng aasar pa.

"Bakit ikaw hindi?"

"Kinakabahan, lamig nga ng kamay ko oh" nilagay nya sa pisngi ko yung kamay nya

"Ehem! Nakakaistorbo ba?" Tanong ni Eric sabay ngisi, kaya tinanggal na ni Renz yung kamay nya sa pisngi ko

"Hoy yung ngiting ganyan alam ko yan, wag kang ano dyan"-Renz

"Bakit may sinasabi ba ko haha, masyado kang ano haha"-Eric

"Tumigil ka nga sa kakatawa!!"-inis na sabi ni Renz

"Guys tama na yan, tara na baka may nag iikot na guard maabutan pa tayo dito" sabi ni Marco

"Si Patrick nasaan?" Tanong ko

"Ayun oh... kausap mommy nya" turo ni Marco kay, Patrick na nasa isang gilid

"Trick! Tama na yan tara na!" Tawag sa kanya ni Renz kaya tinago na nya yung cellphone nya at agad na lumapit samin

"Sorry, tara na"-Patrick

"Ok, guys tandaan nyo ha walang hihiwalay ok?" Paalala ni Marco. Lahat naman kami tumango at binuksan na yung mga flashlight na dala namin

"Saan tayo unang pupunta?" Tanong ni Eric

"Sa Library, kung saan natin sya unang nakita" sagot ni Marco

"Guys mukang wala sya sa library... tingnan nyo yun oh" tinuro ni Renz yung kabilang building sa may second floor

"Ano yun apoy?"-Eric

"Mukang hindi, bilog eh tapos naikot. Mukang ilaw yan na kulay pula" sabi ko

"Puntahan na natin" sabi ni Marco, nag madali silang mag lakad tatlo. Pero ako napahinto ako sa pag lalakad nung hawakan ni Patrick yung damit ko

"Natatakot ako" sabi nya

"Wag ka mag alala, hindi ka namin pababayaan ok? Tara na" sabi ko

Sumunod na kami sa tatlo. Nung paakyat na kami sa 3rd floor, may ilaw na tumapat sa muka namin kaya napahinto kami sa pag akyat sa hagdan.

"Ako ba ang hanap nyo?" Nangilabot ako nung marinig ko boses nya. Sigurado ako sya na yun. Di ko lang sya maaninag ng husto kasi nasisilaw kami sa ilaw na nakatutok samin.

Higanti Ng Isang ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon