Renz POV
"Wala talo pala section 1 satin eh, matatalino lang sila weak naman sa basketball" sabi ko habang papasok kami ng room
"Oh tapos na kayo mag basketball?" Tanong ni Alexis
"Oo, tambak sila samin eh"-Brix
"Teka nasaan si Ria?" Tanong ko
"Nasa math faculty, pinapunta sya dun ni ma'am"-Riza
"Hinayaan nyo syang pumunta mag isa dun?"-Marco
"Oo nga, bakit di nyo sinamahan?" Sabi ko
"Eh ayaw nya daw"-Alexis
"Pupuntahan ko sya" tumakbo agad ako palabas ng room. Hindi ko alam, pero kinakabahan ako.
+++
Pag akyat ko sa second floor, may nakita akong isang panyo sa sahig kaya agad kong pinulot 'to.
"Ano papalag ka pa ha?!!" Napatingin ako sa may room na nasa kaliwa ko lang At nakita ko dun yung robot, hawak nya sa buhok si Ria
"Hoy bitiwan mo sya!!!" Sigaw ko, napatingin sakin yung robot
"Renz!" Tawag sakin nila Eric
"Ang sabi ko bitiwan mo sya!!!" Pumasok ako sa loob ng room, agad nyang binitiwan si Ria kaya bumagsak 'to sa sahig "Anong ginawa mo sa kanya!!!" Galit na galit kong tanong.
Lumapit sya sakin at itinulak ako ng malakas kaya sumobsob ako sa mga upuan.
"Renz! Ria! Hoy ikaw na naman!" Sabi ni Eric
Nakaharang sa pintuan yung barkada kaya di makalabas yung robot. Kaya ang ginawa ko binuhat ko yung upuan at hinampas sa kanya ng sobrang lakas malapit sa batok nya. Tumumba ito kaya pinag hahampas ko ulit sya.
"Walang hiya ka!!!"
"Renz tama na yan, walang malay si Ria dalhi na natin sya sa hospital!" Sigaw ni Alexis
At dahil hindi na tumayo yung robot binitiwan ko na yung upuan at lumapit kay Ria.
"Ria gising" tinapik ko ng mahin yung pisngi nya
"Dalhin nyo na sya sa hospital, kami na bahala dito nila Eric"-Marco
"Tara na Renz"-Alexis
"Sige" binuhat ko si Ria
"Sasama ako, tara na"-Riza
+++
Dinala namin sa hospital si Ria. Agad naman syang inasikaso ng mga doctor, sa itsura nya halatang nahirapan sya ng husto. Pumutok yung labi nya at may bukol sya sa noo.
BINABASA MO ANG
Higanti Ng Isang Api
Horror|| Book 1 Completed || Palagi nila akong nilalait, binubully, sinasabihan ng masasakit na salita. Hindi ba nila alam na nasasaktan din ako?! Porket hindi ako nalaban sa kanila?! Porket hinahayaan ko lang silang gawin yun?! Masakit ang laging pag taw...