Brix POV
Ang sakit, sobrang sakit na makitang unti unting nag lalaho sa paningin mo yung kaibigan mo. Unti unti syang nawawala at habang buhay ng di makikita. Masakit para sakin na yung sentro ng basketball team nyo ngayon tinatabunan na ng lupa. Masakit na yung dating masaya at tawanan namin, ngayon iyak na. Ganto ba talaga ang kapalit ng mali nilang ginawa? Hindi ba masyadong sobra yung ginawa nya? Pumatay sya, pinatay nya yung kaibigan ko! Pinatay nya yung saya ng barkada! Pinatay nya lahat ng pangarap namin!
"Brix tahan na" hinagod ni Alexis yung likod ko. Paano ako tatahan kung tinuturing mong kapatid ngayon wala na!
"Mabibigyan din ng hustisya ang lahat ng 'to"-Renz
"Dapat lang, dahil kapag di 'to nag katarungan... Ako mismo ang papatay sa kanya!" Galit kong sabi
"Kailangan na natin umalis guys, mahaba pa ang byahe natin" sabi ni Marco
"Tara... Gusto ko na sya makaharap" sabi ko
Bago kami umalis nag paalam muna kami sa mommy at daddy ni Eric. Van nila Marco yung ginamit namin papuntang Tarlac, at dahil hindi namin alam kung hanggang kailan kami duon kaya dinamihan namin yung dala naming gamit.
...
8:00pm ng makarating kami sa Tarlac, pero wala pa kami sa address na binigay ni Sebastian.
"Masyado ng gabe guys, sa hotel muna tayo tumuloy"-Riza
"Muka bang may hotel pa dito? Ni malalaking bahay nga wala ka ng makita eh" sabi ko... Wala na kami sa bayan, puro kubo o kaya maliit na bahay lang ang makikita kung nasaan kami. Puro talahib pa ang paligid at ang lalayo ng pagitan ng mga poste ng ilaw.
"Kung mag tanong na muna kaya tayo, tanungin natin kung malapit na ba tayo sa address na yan" sabi ni Alexis
"Sige, ihihinto ko muna 'to" inihinto ni Marco yung van at nag babaan kami. Si Patrick ang may hawak ng address
"Mag tanong tayo dun" turo ni Patrick sa mga matatandang nag iinuman.
"Tara" sabi ko, lumapit kami sa kanila.
"Ah magandang gabe po"-Patrick
"Magandang gabe naman" sabi nung isa
"Pwde po bang mag tanong? Alam nyo po ba kung saan tong address na 'to?" Pinakita ni Patrick yung papel
BINABASA MO ANG
Higanti Ng Isang Api
Horror|| Book 1 Completed || Palagi nila akong nilalait, binubully, sinasabihan ng masasakit na salita. Hindi ba nila alam na nasasaktan din ako?! Porket hindi ako nalaban sa kanila?! Porket hinahayaan ko lang silang gawin yun?! Masakit ang laging pag taw...