Chapter 29: Totoo?

87 13 0
                                    

"Kyle? Anong iba na?" Tanong ko sakanya pero nakayuko parin sya.

"Uy! Kyle naman eh. Ano ba problema? Naiinis ka na ba akin?" Tanong ko parin sakanya .

Atsaka nya iniangat ulo nya.

Tinitigan nya lang ako.

Atsaka sya tumayo at naglakad.

"Uy Kyle! Saan ka pupunta!?" Sigaw ko sakanya pero lumabas pa rin sya.

Sinundan ko sya sa labas at Nakita ko namang nakaupo sya sa gilid ng gate namin.

Nakayuko.

Atsaka ko sya tinabihan.

Ilang minuto kaming tumahimik nang magsalita sya..

Laking gulat ko sa tinanong nya.

" MAHAL MO BA SYA? "

Tanong nya sakin.

"Ano? Sino?" Nagtataka kong tanong sakanya.

Bakit nya ba yun tinatanong?

"Ano kasi---"

"NICOLE!" Tawag ng dalawang lalaki sakin.

Pagkalingon ko.

"Oh? Akala ko bang umuwi na kayo?" Tanong ko sakanila.

Sina Oliver at Adrian kasi tumawag sakin.

"May nakalimutan lang kami sainyo" Paliwanag naman sakin ni Adrian.

"Oo, nakalimutan lang namin yung bag ko" Sabi naman sakin ni Oliver.

"Bag? Teka papasok lang ako ." Atsaka ako tumayo.

Pagkapasok ko sa Loob. Hinanap ko yung bag na sinasabi nila pero wala naman ah.

Lumabas ako para sabihin sanang wala naman pero wala na sila sa labas.

Saan pumunta yun?

Kinabukasan.

Maaga akong nagising.. ewan ko ba bakit maaga ako nagising...Labo ko rin eh noh?

Wala nanaman sina Mama at Papa. Lagi naman eh.. Simula noong lumipat kami dito always na silang busy. Sabagay 2 days pa lang kami dito hahaha.

Ito nga.. Si Yaya nanaman kasama ko. At mag isa nanamang kumakain.
Pagkatapos kong kumain. Edi tinamad ako maglakad nag drive nalang ako.

Pagkarating ko sa School.. Bakit may nagkukumpulan doon aa Bulletin?

"Kawawa naman sya no?"-Girl1
"Oo nga. Sana naman nakonsensya yung gumawa niyan"-Girl2
"Oo nga eh" -Girl3

Ano ba pinag uusapan nila? Nang palapit na ako. Nagtanong ako.

"Ano yan?" Tanong ko sakanila.

"Si- Siya!" Sigaw ng mga babaeng nag uusap kanina? Sino daw?

"Sinong Siya?" Tanong ko pero nagsi alisan lang sila. Ano ba problema?

Pahakbang na sana ako kaso...

"Aray!" Sabi ko. May biglang humila kasi sakin eh.

"Tara" Bulong lang nya sakin. Tss. Sino ba laging nanghihila sakin? Edi si Labo -__-

"Oo nga pala, nasaan kayo kagabi? Bakit nawala kayo? Atsaka yung sa bulletin anong meron? Atsaka ano yan?" Tanong ko atsaka ko itinuro yung pasa nya sa gilid ng labi nya.

"Umalis lang kami kagabi. Atsaka ito? Wala 'to. Yung sa Bulletin naman......" Sabi nya. Tinaasan ko sya ng kilay..

"Kasi... Ikaw yung nandun. Yung nakasubsob sa inidoro" Sabi nya.

Someday[COMPLETED/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon