Chapter 36: She's Back

79 10 1
                                    

Nasa upuan ako ngayon. Syempre naka upo hahaha.

Wala akong katabi ngayon. Wala sila.. Hayy. Magiging boring araw ko for sure.

Kukunin ko sana phone ko sa bulsa.. Aish! Naalala ko nakalimutan ko pala!

"Ahm. Excuse me?" Sabi ng pamilyar na babae sa pintuan..

"Si Nicole Dela Cruz .. Nasaan?" Tanong nya sa mga kaklase ko.. Tumayo ako..

Ahhhh.. Si Ji-hyo.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.. May kinuha sya sa bulsa nya atsaka nya binigay sakin.. Phone ko pala.

"Ito phone mo. Pinaabot sakin ni Ky" Sabi nya (Ky pronouns sa 'Kay') Teka. Sinong Ky?

"Ky?"

"Oo. Si Kyle hehe. Di mo alam yun yung palayaw nya?" Tanong nya sakin. Sa totoo lang.. Hindi.. Diba dapat alam ko? Diba crush ko sya dati? pero bakit di ko alam? -__-

"Di ehh." Atsaka ako ngumiti ng fake. Nakakahiya kasi eh..

"Naku. Okay lang.. Nililigawan ka nya diba?" Tanong nya sakin. Nag nod lang ako atsaka ngumiti.

"Sino yun? Ang sama kasi ng tingin nya satin eh" Turo nya kay Yvette.

"Hayaan mo nalang sya. Sige Salamat ulit ha?"

"Wala yun.. Sige bye" Sabi nya sakin atsaka na sya nag wave.. Ang bait nya. Atsaka dito pala sya nag aaral?

Bumalik na ako sa upuan ko atsaka ko binuksan phone ko.

Napangiti lang ako sa nakita ko sa wallpaper.

Picture lang naman ni Labo kasama ako. Kailan nya pa nalaman password ng cellphone ko?

Sakto na mang dumating yung teacher namin at nakinig na ako..

Lunch Break..

Syempre ako lang mag isa ngayon.. Tumayo na ako sa upuan ko at papunta na ng cafeteria. Nang makasalubong ko si Ladylyn..

Nagkabunggo kami.. Kaya nahulog ko yung mga librong dala dala nya kaya pinulot namin. Bakit sya late? Halos kadadating nya lang..

Atsaka gusot gusot din damit nya.. May pasa pa sya sa braso. Nang umangat na kami. Nakita ko syang umiiyak kaso agad syang umalis..

Napano sya?

Naglakad na ako ulit nang may tumawag sakin.

"Nicole!" Sigaw ng babaeng miss ko ang boses...

Pagtalikod ko.. Si Ladylyn agad akong niyakap habang umiiyak.. Niyakap ko sya pabalik..

"Ano ba nangyare?" Tanong kong nag aalala sakanya.. Oo.. Masama loob ko sakanya pero naging kaibigan ko rin naman sya..

"Ahh! Nicole sorry! SORRY SA LAHAT!" Sigaw lang nya habang yakap yakap nya ako.. Naramdaman ko na mang nabasa yung balikat ko..

Kinalas ko yung pagkakayakap nya , kinuha ko yung mga nahulog na libro atsaka ko sya hinila papunta sa CR ng mga Girls..

Atsaka ko sya hinarap sakin.

Gusot na damit.. Kubit na ribbon. Basang palda at damit.. Pasa sa braso at pisngi.. Magulong buhok.. at umiiyak na Ladylyn..

"Oh. Ate.." Sambit ko sakanya.. Lalo lang syang napaiyak..

Dati kasi Ate talaga yung tawag ko sakanya. Super close nga kami nun eh.

"Tama na ate. Dati ako yung pinapatahan mo diba? Dati ako yung pumupuntang umiiyak sayo.. Pero bakit ngayon? Ano ba nangyare?" Tanong ko..

Medyo napatigil sya... Atsaka nagsalita.

"Patawarin mo 'ko Clane. Natakot akong saktan ako ni Yvette kaya ko sya sinunod"

"A-anong natakot ka?"

"Pinagbantaan nya ako Last year.. Kapag di raw kita iniwasan at iwan sasaktan nya ako.. Kapag hindi daw kita sinaktan sasaktan nya ako.. Sorry kung inisip ko yung sarili ko. Sorry kung naduwag ako.. Di kita pinaglaban. Lumipat ako para pigilan sana si Yvette kasi may balak syang gawing masama sayo.. Ayaw ko na mangyari yun.. Kanina habang papunta ako sa school nakita ko yung mga ka grupo ni Yvette hinihintay ako.. Pinagsasampal nila ako.. Pinagtutulak at pinagsisipa.. Sana mapatawad moko"

Nang unti unti nya akong niyakap ng mahigpit..

Napaiyak ako.. Hindi ko alam na ganun pala pinag daanan ng Ate ko.. Yvette.. Bakit mo ba to ginagawa?

Napatigil kami ng may narinig kaming palakpak...

*Clap sound*

"Whoo. Nice drama.. May camera ba dito? Asan?" Atsaka sya nagtitingin sa paligid.

"Napakasa-" Hinawakan ko sa braso si Ate..

Nag step forward ako para makalapit kay Yvette..

"You're BITCH" Bulong ko sakanya.. Nakita kong namula sya..

Hinatak ko na si Ate palabas ng CR.. Atsaka ko sya dinala sa Room...

-----------------

Ghaaaad! SORRY! Sorry sa mga readers ko kung konti lang na update ko ngayon.. Busy kasi eh.. Sige next update hahabaan ko. SALAMAT!♡♥♡

-VsMyBias


Someday[COMPLETED/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon