Chapter 15: "LABO"

102 14 0
                                    

Pag gising ko. Wala na si Kyle sa Kama.

Umalis na siguro. May pasok kami eh.

Tumayo na ako at dumeretso na ako sa banyo para maligo.

Ang lamig naman ng tubig. Hindi naman umuulan.

Pagkatapos kong maligo. Umupo muna ako sa kama para magpatuyo ng Buhok. Pero may nauupan ako.

Nakalimutan nya.

Nandito cellphone nya. Nagmadali siguro syang Umuwi.

Nag ayos na ako at niready ko na bag ko at binulsa ko na rin cellphone ni Kyle.

Hindi ko dinadala cellphone ko sa school kasi ayaw ko haha.

Lumabas na ako ng kwarto ng makita ko si mama naghahanda ng agahan.

"Good morning ma"

Bati ko kay mama.

"Good morning rin anak. Kumain kana"

Pag aaya sakin ni mama. Kumain na ako para makaalis na.

Pagkatapos kong kumain. Naisipan kong i check phone ko.

Pero bakit ang daming Unknown number nagtetext saken? Eh dati kahit isa wala man.

Umalis na ako sa bahay nang makapagsimula ng maglakad.

Habang naglalakad ako. May kumalabit saken.

"Ay Kalabaw!"

Sigaw ko. Nakakagulat naman to.

"Ang pogi ko na mang kalabaw?"

Hayy. Si Oliver lang pala. Akala ko sino.

"Taga rito ka rin?"

Tanong ko. Kasi Lagi ko syang nakikita at nakakasabay.

"Oo naman." Confidence nyang sabi.

"Matagal na?"

Tanong ko, Kasi mukhang bago palang sila.

"Oo.kakalipat lang namin" ah kaya pala

"Ah ganun ba" patuloy lang kaming naglalakad nang makarating na kami sa DMHS..

"Oh pano nyan? See you later" sabay wink.

See you later? Ah. Sa canteen nanaman ulit.

Deretso na ako sa Room nang makasalubong ko si Kyle

"Nic-"

"Cellphone mo?"

Pampuputol ko sa sinasabi niya.

"Ah oo. Nakalimutan ko kasi"

Sabi nya atsaka sya nagkamot ng ulo.

"Oh" Tsaka ko inabot sakanya.

"Okay sige salamat. Wala daw mga teacher ngayon"

"Wae?" (Korean word 'Wae'=Bakit)

"May Meeting"

"Ah. Ganun okay"

At umupo na ako sa pwesto ko. Kahit wala dapat teacher dapat mag aral ng mga lessons.

Oo nga pala. Marunong ako ng konti na mag korean . Tinuruan ako ni Papa dati.

"Sipag" Bulong ni Miguel.

"Sipag ah" Bulong ni Kyle.

Nagulat ako ..Nasa gitna pala nila akong dalawa.

"Oh Kyle. Andyan ka pala" Tanong ni Miguel kay Kyle

Di lang umimik si Kyle. Anong problema nito?

"Ah ano Nicole. Pwede mo ba akong samahan mamaya?"

Tanong saken ni Miguel . At napatingin ako sakanya.

"Oo naman. Saan ba?"

"Sa--"

"Di sya pwede. May meeting kaming mga Officers mamaya"

Pagsisingit ni Kyle samin.

"Escort ka lang eh Kyle. Pati yun kasali? Atsaka parang si Nicole lang meron. Vice Press. Sya eh. Ikaw nalang samahan mo nalang ako"

Sabi samin ni Miguel .

"Hindi. Pati daw mga Escorts and Muses"

"Ah ganun ba. Okay sige."

Atsaka tumayo si Miguel.

"Meron?"

Tanong ko kay Kyle

"Wala"

Mahina nyang sabi.

"Wala!? Eh sabi mo meron?"

Ang labo talaga ng lalaking to!

"Para di ka nya isama"

Para di nya ako isama?

"Eh bakit ganun ka sakanya?"

Tanong ko sakanya. Kasi parang may tampuhan sila.

"Tss."

Atsaka sya tumayo. Hay. Ang labo labo talaga ng Lalaking yun.

Ilang oras rin na nagbabasa ako nang may tumabi sakin.

"Kamusta?" Tanong nya. Tumayo balahibo ko nang marinig ko ang boses nya

"Ah eh ano"

Kaba kong sagot. Kinakabahan kasi ako kapag kinakausap nya ako.

"Masaya bang kasama ang mga BANGTAN?"

Tanong nya. At tumataas na ang boses nya

"Get away"

Bulong lalaki na dahilan para magulat si Yvette.

"Fine."

Bulong ni Yvette at Umalis.

"Kinaba-"

"Wag kang kabahan. Diba sabi namin poprotektahan ka namin?"

Saad ni Miguel sakin.

"Salamat"

"Wala yun."

Napaka swerte ko naman. Nagkaroon ako ng mga kaibigan tulad nila. Ang saya ko. Ngayon ko lang naramdaman na ipagtanggol. Buong buhay ko wala pang gumagawa sakin ng ganyan. Ang saya saya ko sobra.

"Tara na. Break time na"

Pag aaya nya sakin.

"Tara. Nagugutom na rin ako haha"

Patawa kong sabi sakanya.

"Kaya pala ang taba mo hahaha!"

Tawa nyang sabi saken.

"Waa! Mataba ba talaga ako?"

Tanong ko sakanya at pinisil ko naman pisngi ko.

"Hindi. Joke lang."

At patuloy parin kaming naglalakad

"Anong oras meeting nyo?"

Ano nga bang oras? Hala. Hindi ko alam isasagot ko T.T ano na?

"Mamayang pag katapos ng Break" singit ni Kyle. Bakit lagi nalang tong sumusulpot?

Dinaanan nya lang kami. Di man lang sumabay. Labo talaga.

"Magkaaway kayo?"

Tanong ko sakanya.

"Ewan ko ba dyan. Atsaka lagi naman yang masungit eh"

Lagi ba? Parang di naman eh.

"Ahh okay sige."

Hindi naman sya laging masungit. Lagi lang syang malabo. .

Simula ngayong araw. LABO na lang tatawag ko sakanya >:D

Itutuloy...

Someday[COMPLETED/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon